A/N: Hola mga labidabs ko! As of now, wala pa din akong reader pero masaya ako kasi tuloy-tuloy pa rin ang pagsusulat ko even though mabagal ang ud ko. Sana once na mabasa mo ito ay maenjoy mo! Pasensya muna sa wrong grammar, typo, at wrong spelling. Next time ko ieedit. :)
..........
TREE HOUSE
Mawee's POV"
Hindi pa man nakakabalik sa table namin si Cath and Khiram ay agad na kaming nakalapit ni Ella sa harapan ng canteen gate.
"Tama na? Talaga ba?" sabi nung babae sabay buhos ng yakult sa ulo ng babae na nakaluhod.
"Jolina, tigilan mo na si Aica Jam." pakikiusap naman nung isang babae na nakaalalay sa nakaluhod.
"Tigilan? Oli oh"
"Baka gusto madamay niyan."
"Oli pa'no ba 'yan gusto din ata."
"Chaella gusto mo din ba?" tanong nito sa babaeng umaalalay kay Aica habang binuksan ang isa pang yakult.
"Jolina ako na lang." biglang sabi ng nakaluhod na si Aica.
"Alam niyo, parehas na lang kayo." sabi niya at akmang ibubuhos na sana niya ang yakult sa dalawa ng mabangga siya ng pumasok na babae.
"AHHHH!" sigaw ni Jolina. At nagtawanan ang ilang nanonood ng matapon kay Jolina ang yakult na para sana sa dalawa.
"Wtf! Bakit ba pahara-hara ka sa daan?" sigaw ng babae na nakabangga kay Jolina na tingin ko ay isang bisexual.
"Ako na nga ang nabangga mo b*tch!" sigaw sa kaniya ni Jolina habang tumatayo.
Napansin ko na nakatingin lang ang babae kay Chaella kaya't hindi nito napansin ang gagawin ni Jolina. Kaya't agad akong lumapit at pinigilan ang kamay niya kaya napasigaw na naman siya.
"Ano ba!?" sigaw niya sa akin. Habang pinupunasan ang mukha na natapunan ng yakult na dapat ay itatapon niya sa babaeng kaharap.
"Sigawan mo pa ako hihilahin ko yang balakatak mong lalamunan." maangas kung sambit na ikinatahimik ng lahat.
"Wait what?" nakakunot na tanong niya.
Ay bingi ba 'to?
"Ano bang pinaggagagawa mo sa mga studyante dito?" tanong ko.
"E ano ba problema mo at nakikisali ka? Attention seeker ka ba?" nakangisi na sabi niya sa akin.
Attention Seeker mo mukha mo!
"Attention seeker? Huh? Humarap ka sa salamin at makikita mo kung sino ang totoong attention seeker." sabi ko na ikinausok ng ilong niya.
Magsasalita na sana siya ng dumating ang Secretary ng Dean.
"Hey miss! Paalisin mo nga ang attention seeker na 'to! Expelled her!" sabi nito sa bagong dating.
Napangiwi ang secretary nang mapatingin sa gawi ko. Dumating na rin si Cath and Khiram na maaring ang pagkain ay iniwan sa table.
"Akayin niyo sila." bulong ko kay Khiram ng makalapit siya sa akin at agad na itiniyo ang mga babaeng nakaluhod at tinulungan din siya ni Ella at Cath.
YOU ARE READING
Typical Girlalu
Ficțiune adolescențiTYPICAL GIRLALU Hola labidabs ko, Ang kathang mababasa ninyo dito ay tanging mula lamang sa malikot kong kokote dahil gumawa ng kung ano-anong imahinasyon sa aking kaisipan. Ang mga pangalan, petsa at maging lugar na mababangit sa storya ay pawang i...