Chapter Four

1 2 0
                                    

A/N: Hola aking mga labidabs! Enjoy reading. Pagpasensyahan n'yo muna ang aking wrong grammar and wrong spelling. Gonna edit it soon!

.....

THEIR LOVE

Mawee's POV

Maraming araw na ang lumipas at wala namang bago sa school. Maraming natakot sa akin at hindi makalapit. Mayroon naman na gustong lumapit at makipag-usap pero mas pinipili ko na umiwas at lumayo. Dahil 'yon ako, ayaw kong maging malapit ang loob sa kanila dahil baka sa oras na umalis din sila sa tabi ko ay hindi ko na kayanin. Tanging si Khiram lamang ang malapit sa akin sa school. At hindi din naman alintana ng lahat na kapatid at pamilya ko ang may-ari ng school na iyon.

Sabado ngayon at ang maids at driver lang ulit ang kasama ko sa bahay. Tuluyan na akong hindi binalikan nina Kuya. Pilit ko silang iniintindi pero dumadating pa rin talaga sa punto na parang may namumuo akong hinanakit sa kanila.

Bumaba ako upang mangamusta gaya ng lagi kung ginagawa.

"Hi Nanay Marhyl." nakangiti kong sambit.

"Magandang umaga dalagendeng." batu ni Nanay Marhyl.

Nagngitian muna kami bago ako pumasok sa kusina at nadatnan ko doon ang dalawang cook namin. Nagtataka nga ako kung bakit dalawa e ako lang naman ang ipinagluluto nilang amo dito.

"Hey ates, kamusta?" i asked them at nagbeautiful eyes pa na ikinatawa nila.

"We're so okay." sambit ng isa at nagpabebe wave gaya ni Yaya Dub pa.

"Hoy hindi mo kamukha si yaya dub! " sabi ng isang cook sabay duro ng sandok. "Hey Mawee" dugtong sa sinabi niya sabay pabebe wave at beautiful eyes.

"BWAHAHAHAHHAHAAHHHAH" sabay tawa naming tatlo.

"Diyan na nga po kayo at baka mamaya ay ang pag-agawan niyo pa po ay si Alden Richards." ngingiti ngiti ko pang sabi bago nakipagtanguan sa kanila at pumunta naman sa garahe.

"Kuya Jupiter!" sigaw ko sa kanya.

"Good mood ang mawee?" nagtataka niyang ngiti habang naglilinis ng kotse.

Lumapit ako kaagad sa kaniya pero sa dahil sa madulas na daan ay bigla akong nadulas.

"Awww!" tanging nasabi ko at sapo-sapo ang mukha.

Tumama yung ilong ko sa timba na ginagamit ni Kuya Jupiter.

"Hoy Mawee? Ano ga at katatapos laang ng summer ay gusto mo na uli lumangoy?" tatawa-tawa niya pang sabi sa puntong batangueño pero hindi ko pinansin ng maramdaman kong tila may likudong tumutulo sa ilong ko.

Hinawakan ko ang ilong ko at nais kung makomperma kung ano ito.

"Kuya bakit may basa sa ilong ko." sabi ko sabay turo ng kamay ko na ipinanghawak dito.

" D-dugo?! "

"Mawee? Okay ka lang? Hala?! Halika sa loob!" mabilis na nagbago ang reaksyon niya at inalalayan ako.

Nataranta ang lahat ng dalahin ako sa loob ni Kuya Jupiter. Halos lahat ng maid at drivers ay nakamasid sa akin. Tanging si Khiram lang ang hindi ko nakikita.

"Tawagan na natin si Madam Maureen." sabi ng isang maid.

"H-huwag na po, kaya na po siguro ito ni Nanay Marhyl." sagot ko naman kahit kabadong-kabado na.

Typical GirlaluWhere stories live. Discover now