A/N: Kamusta labidabs? Nawa'y naeenjoy niyo ang story dahil magsisimula na tayo sa exciting part HAHAHAAHAHAA Charaught lang. Enjoy reading labidabs.
PS. (Sorry for the wrong grammar and typo, don't yah worry gonna edit it sooneeesssttt.)
...........
WORSE TRAUMA
Mawee's POV
Nakatingin lang kami ni Khiram sa mag-pinsan habang kumakain. Sarap na sarap naman sila at halata ang gutom sa paraan ng pagkain nila.
Yung bang pandalas sa pagkain.
"Salamat ng madaming-madami Mawee... i guess?" sabi ni Ella.
"Mawee." sabi ko sabay tango.
"Thank you so much Mawee kasi hindi namin talaga alam kung saan kukuha ng pagkain e." dagdag pa niya.
"Actually sobrang kalat pa din sa bahay na titirahan namin kaya kailangan pa talaga namin linisin kaya hindi na namin naproblema ang pagkain kanina..."
"...Yun nga lang kasi nung sabay tumunog ang sikmura namin e do'n na kami nataranta kung saan kukuha ng makakain lalo na at kulang pa kami sa gamit." pagtatapos niya.
"Okay lang, no prob." sabi ko naman at nginitian siya.
"What if humingi kami ng tulong sa inyo para matapos ng linisin ang bahay?" sabi ni Cath na nanlalaki pa ang mata habang nakaturo pa ang hintuturo sa sintindo.
Pinakaiisip niya pa talaga yon ah.
"Ayo-"
"Yes naman, pupunta kami sa inyo bukas." nakangiting sabi ni Khiram pero sa akin nakatingin.
"Okay lang ba Mawee?" nag-a-alangang tanong ni Cath.
"Uhmm... ok-okay lang naman." nag-a-alangan din namang sagot ko.
Nagkwento muna sila at nakikinig naman kami ni Khiram.
Nasabi niya din na nag-order na ng ilang gamit ang tito nila at bukas naman ito i-de-deliver."Again, Mawee and Khiram..." sabi ni Ella."...Thank you so much. Makakabawi din kami ni Cath." sabi niya pa.
"Oo nga, tandaan niyo lagi na andito din kami 'pag kelangan nyo ng back-up." sabay kindat ni Cath na ikinatawa namin.
"Salamat din." sabi ko na ngi-ngiti ngiti pa.
"Sige, una na kami ha." sabi muli ni Ella at naglakad na papuntang gate at agad naming sinundan ni Khiram para ihatid.
"Bukas na lamang ulit guys." nakangiting sabi ni Cath at humarap sa amin.
"Sige sige, ingat." sabi ko sabay ngiti.
"Ingat kayo dyan." sabi naman ni Khiram at nakangiti na rin.
Tuluyan na nga silang nakapasok sa gate nila pero bago makapasok ay nagtanguan muna kaming apat. At ng masiguro namin ni Khiram na nakauwi na sila ng maayos ay saka kami pumasok sa gate.
YOU ARE READING
Typical Girlalu
Teen FictionTYPICAL GIRLALU Hola labidabs ko, Ang kathang mababasa ninyo dito ay tanging mula lamang sa malikot kong kokote dahil gumawa ng kung ano-anong imahinasyon sa aking kaisipan. Ang mga pangalan, petsa at maging lugar na mababangit sa storya ay pawang i...