Chapter Two

3 3 0
                                    

A/N : Sana aking mga labidabs ay 'wag kayong malito sa name ng aking mga characters. Mwamwa.

............

VYNEE'S SCENE


Mawee's POV

Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw mula sa bintana. Hindi ko pa man nasisilayan ang buong paligid na kinalalagyan ko ay sigurado na akong hindi ito ang kwarto ko.

"Mawee,kamusta ka? Okay ka na ba?" mabilis na tanong ni Kuya Maursh nang makitang mumulat ako.

"Hey Maws, may masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin? Ano gusto mo? " mas mabilis na sambit ni Kuya V-Maurx ng marinig ang tanong ni Kuya Maursh.

Ngumiti lamang ako sa kanila upang sila ay parehong kumalma. Hindi ko pa din kayang magsalita dahil sa sakit ng pisnge kong nagmumula sa malaking pasa na naroroon.

Nakamasid pa din sa akin sina Kuya at biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto. At tama nga ako dahil narito ako sa hospital.

"Vylia Maushei, how are you?" tanong ng doktor sa akin.

"Hmm im alr-" pigil ni Kuya Maursh.

"Mawee is still not okay. Hindi pa siya makapagsalita ng ayos." sabi ni Kuya Maursh.

"I guess, Maws need to rest,doc." maikling sambit naman ni Kuya V-Maurx habang nakatingin pa din sa akin.

Napabuntong hininga naman ako at umiwas ng tingin. Mula sa hinihigaan ko ay tumingin ako sa bintana at nakahinga ako ng maluwag.

"Im really sorry Maushei." nakatungong sabi ni Daddy sa akin na naging dahilan upng magbalinga ko ng tingin sa kanya.

Saka ko lamang napansin na nakalabas na pala ang doktor at magkatabi pa rin si Kuya Maursh at Kuya V-Maurx. Si Mommy naman ay katabi ni Daddy pero ramdam pa rin ang tensyon sa kanila.

"Anak, pasensya na at ikaw ang napagdiskitahan ng mga lalaki na iyon." hinawakan niya na ang kamay ko habang sinambit ang mga salitang iyon.

"D-dad, i-its ok-okay. A-atleast i- " hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Oh my god! Vynia Mershie ! "sigaw ni Mommy na naging dahilan kung bakit naputol ang sinasabi ko. Hirap akong magsalita pero pinilit ko dahil nagbabakasaking pakinggan nila ang sasabihin ko kaso hindi ko pa rin natapos, balewala pa din.

"Anong nangyare kay Vynee?! " sigaw na tanong din ni Dad. Naalarma na din ang dalawang kuya ko at nakatingin na rin kay Mom.

"Nabangga daw si Vynia." mahina pero basag na salita ni Mom na ikinagulat naming lahat.

Mabilis na kumilos si Mom and Dad na tila ba wala na muli silang pakialam sa akin. Ni hindi man lamang nila ako tiningnan bago lumabas.

Si Kuya Maursh naman ay natataranta na din pero mas piniling maging kalmado at huminto sa harap ko.

"Mawee pahinga ka lang muna dito ha. Kuya V-Maurx is with you. Hindi ka niya pababayaan." sabi ni Kuya Maursh sa akin habang nakatitig sa mata ko na wari'y sinasabi na ligtas ako.

"V-Maurx, si Mawee ha. Don't you ever dare leave her. Bantayan mo siya at tumawag ka lamang sa akin. Babalik ako agad." sabi ni Kuya Maursh kay Kuya V-Maurx.

Typical GirlaluWhere stories live. Discover now