Chapter 8

209 9 0
                                    

* * *
Cyril's POV

Ako?

Kailan pa iyon nangyari? Hindi na nga niya ako kinakausap matapos mangyari noong gabing iyon? Tapos malalaman ko na lamang na kapartner niya ako sa kung saan?

Napailing na lang ako at tinuloy ang pagkuha ng pagkain dahil nagugutom na talaga ako at hindi ko na lang inisip muli ang narinig kong iyon. Lahat ng aking makakasalubong ay mga nayuko sa akin, hindi rin mga nagtatama ang mga mata ko sa kanilang mata dahil nasa ibang direksyon madalas ang kanilang mata at takot na takot na makasalubong ang aking mata. Sa isang buwang nandito ako ay kinasanayan ko na ang kanilang mga patutungo kay Elyz. Nung una ay naiilang ako hanggang sa wala na lang tanging si Sir Zyxel na nga lang ang nakakausap ko rito ng matino.

Matapos kong kumuha ng pagkain ay nagpasya na akong tumaas, ayaw ko rin naman na rito kumain dahil sa mga tao sa paligid at higit sa lahat ayaw kong makasalamuha ang pamilya ni Elyz.

Pag-akyat ko sa aking silid ay nandoon na pala naghihintay sa akin si Eros. Napatigil na lang ako sa paglalakad at mukang napansin na rin nito ang aking presensya kaya napatingin na ito sa akin.

"Can we talk for a moment?" Tanong agad nito sa akin.

At dahil meron nga kaming dapat pag-usapan ay tumango na lang ako at inutos sa isang maid na idala muna sa aking silid ang aking pagkain. Inaya naman ako ni Eros na mag-usap kami sa kaniyang silid. Pagkapasok namin doon ay pinaupo niya ako sa isa niyang mga upuan at pagkatapos ay naupo na rin ito.

"So, let me get to the point. As you are aware, there is another event in the palace that requires a partner. And I despise it when people approach me at the ball simply because I don't have a partner. That is why I'm inviting you to go to the ball with me." Dirediretsong saad nito pagkaupo niya.

Napatawa na lang ako sa utak ko dahil ang lakas ng loob niyang sabihin sa kaniyang mga kaibigan na ako ang partner niya e ngayon pa lang naman niya ako tatanungin. What if hindi ako pumayag?

"Paano na lamang kung hindi ako pumayag?" Nakangiti kong tanong dito.

"Well. . ." Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya pero nakatitig lang ito ng matalim sa akin na tila ba ay pati kaluluwa ko ay hinuhusgahan niya.

Tinanong pa niya ako 'no? Tapos mananakot lang din pala kung hindi ako papayag susginoomaria.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"K-kailan ba gaganapin iyon?"



Mahigit kalahating oras na akong nakaupo rito, gustong gusto kong tignan ng nakakamatay na tingin si Eros ngunit 'wag na lang dahil nakaupo ako. Ang sabi niya sa akin ay gusto niya akong maging partner sa lintik na ball na ito dahil ayaw niyang may lapit nang lapit sa kaniya kesho wala raw siyang kasama o partner pero napakakapal naman ng mukang iwanan ako ritong mag-isa sabihin nating hindi mag-isa dahil nakatayo sa hindi kalayuan si Sir Zyxel pero malayo pa rin ito kaya mag-isa talaga ako. At isa pa damang dama ko ang mga nakakamatay na tingin ng ibang kababaihan dito naririnig ko pa ang iba na nagsasabing bakit daw ako nandito e kung hampasin ko kaya ang kanilang mga muka at tanungin kung bakit dumudugo ang kanilang mga bungo. Susginoomariamarimar. Nang iinit ang aking dugo. Kaya nagpasya na lamang akong tumayo at lumabas upang makahinga nang maluwag.

Pagkatayo ko ay sinenyasan ko muna si Sir Zyxel na lalabas ako at mukang nakuha naman nito ang pinapahiwatig ko kaya nagpasya na akong maglakad pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nabunggo ako. Napahawak pa ako sa aking noo dahil sa tigas ng dibdib ng taong nabungo ko. Kanina pa akong iritang irita tapos idagdag mo pa ito sisigawan ko na sana ito pero nang makita ko ang muka nito ay napahinto ako.

"I'm very sorry-- Lady Cy?"Napangiti na lang ako sa halip na mairita sa gwapong nabungo ko na walang iba kung hindi si Sir Zyair.

Ilang araw ko rin ito hindi nakita. 

I Become A Time Limited VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon