Chapter 15

142 6 0
                                    

* * *

Cyril's POV

"Then that's great, because the woman standing next to you is the crown princess that I've chosen for you."











Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon ay paulit ulit pa rin sa aking utak ang linyang sinabi ni Sir Zyair este ng crown prince maging ng hari. Sa sobrang shock ko ay natuod na lang ako kanina sa aking kinatatayuan maging ang katabi ko. Habang ang mga taong dumalo ay mga nagpalakpakan hindi ko nga alam kung tunay ba silang nagagalak. 

Nang makabawi naman ang crown prince sa kaniyang shockness ay napatingin ito sa akin kaya agad akong umiling dahil hindi ko rin alam na siya ang crown prince. At wala siyang karapatan magalit dahil maging siya ay hindi rin naman nagsabi ng katotohanan. Kaya fair lang kami!

Ngayon ay pauwi na ako at kasama sa loob ng kalesa ang walang ibang si Eros. Matapos ianunsyo ng hari ang balita ay agad ding nagtungo sa aking pwesto si Eros. Nagbigay galang sa crown prince bago nagpaalam na kukunin na raw niya ako.

Hindi man ito umiimik alam kong may galit na naman 'to sa mundo dahil kanina pa niya ako tinititigan nang nakakamatay kaya naman napayuko na lang ako dahil dito. Ano na naman bang problema mo?

"You told me that you hadn't seen the crown prince's real face, so that was a lie." Napaangat ang aking ulo sa pagkakayuko matapos nitong magsalita pero sana ay hindi na lang dahil nakatingin pa rin ito sa akin.

"Nagsasabi ako ng katotohanan no'n, hindi ko pa talaga nakikita ang tunay na muka ng--" Depensa ko palang sana sa kan'yang sinabi.

"And do you think I'm foolish?" Natatawa nitong saad.

Gusto ko sanang sumang-ayon pero baka itapon pa niya ako rito palabas. 

"E hindi nga kasi!! Hindi mo ba nakita muka ko kanina? Shock na shock ako oh!" Saad ko at ginaya pa ang aking naging ekspresyon kanina.

"So, you're in love with someone you've never fully known?" 

Natahimik ako rito dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko! Bakit nga ba ako maiinlove sa taong hindi ko kilalang kilala? Pero hindi naman ako inlove dahil deal lang iyon.

"L-love at first sight kasi!" Tumingin ito sa akin nang may panghuhusga ang muka pero hindi na lamang umimik at tumingin na lang sa bintana.

Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig ko itong may binubulong bulong.

"Lover? Tsk."

"Oh, e ano naman, inggit ka lang siguro."

"Whatever." Sabay irap.

"Sus paganyan ka pa, sabi ko naman kasi sa'yo magdamoves ka na sa prinsesa baka maunahan ka."

"Shut up."

"Nyenyenye."



Nabulabog ang aking himbing nang pagkakatulog dahil sa katok ng katulong at ako raw ay gumising na. Medyo nagtataka ako ngayon dahil hinahayaan naman nila akong gumising sa kahit anong oras na gusto ko.

Nang sinabi kong maaari na silang pumasok ay nagsunod sunod na nga sila agad na pumasok na kinagulat ko. Teka anong meron?

"May mahalaga ba akong pupuntahan ngayon? Sa pagkatanda ko ay wala naman?" 

Nagtinginan muna sila bago sumagot.

"L-lady Elyz, kanina lamang po ay nakatanggap kayo ng imbitasyon mula sa mahal na hari at kayo ay pinapapunta sa palasyo. Ang iyong ina po ang nagbasa ng liham kanina."

I Become A Time Limited VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon