Chapter 7

215 10 0
                                    

* * *
Cyril's POV

Mahigit magkakalahating oras na kaming naglalakad sa gitna ng kagubatang ito ni hindi ko nga rin alam sa paanong paraan kami napadpad dito. Paano kasi matapos niya akong isama sa paghahanap niya kay Sir Veles sa hindi malamang dahilan ay dito kami napadpad hay.

Naalala ko tuloy si Sir Zyxel. Hinahanap kaya ako ni Sir Zyxel? Ano ba talaga ang nangyari kanina bakit nagkaroon ng mga pagsabog? Siguro nga kung hinintay ko na lamang sana si Sir Zyxel kanina sa pwesto namin ay hindi ako rito maglalakad sa isang napakadilim na kapaligiran na mayroong matataas na mga damo at puro puno na lamang ang makikita. Paano na lamang kung may makasalubong kaming mga mababangis na hayop?

Napatingin muli ako sa likod ng taong nauunang maglakad sa akin at napairap sa hangin. Nakakainis sabi n'ya hahanapin niya lang si Sir Veles pero ano 'to? Nasaang parte na kami ng mundo?!

"Nasaan na ba kasi tayo?" Hindi ko mapigilang tanong dito.

Ngunit hindi lamang ito umimik. Susginoomaria!

Pabayaan ko na nga lamang baka siguro may sikretong taguan sila rito 'no? Sana naman kung ganoon.

Ganon na nga lang sana ang iisipin ko kaso isang nakakatakot na tunog ang narinig naming dalawa na nakapagpatigil sa aming paglalakad, agad namang napatingin sa akin si Eros bago tumingin sa madilim namin paligid. Pinapakiramdaman nito kung saan nagmumula ang tunog o kung saan ito lalabas kung ito man ay susugod. Damang dama ko ang panlalamig at paninigas ng aking katawan dinig ko na rin ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Gusto ko sanang hawakan sa braso si Eros dahil sa natatakot ako ngunit masyado itong malayo natatakot naman akong gumalaw dahil baka mabahala ang kung anong bagay na gumagawa ng nakakatakot na tunog.

"Stay put and do not move." Mahinang saad nitong sa akin kaya naman napatango na lamang ako sa takot.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit ang nakakatakot na tunog na parang isang halimaw ay hindi pa rin nawawala.

Hindi pa naman siguro ako mamamatay dito 'no? Isang taon pa ang deadline ko susmariosep.

Mahigit limang minuto na kaming nakatayo sa iisang pwesto bago nawala ang tunog na iyon na tila ba ay lumalayo na. Pinakiramdaman muna namin ang paligid bago gumalaw sa aming pwesto dahil mabuti na sigurado 'di ba?

Ngayon pa lamang ako nakakahinga nang maluwag bago bumaling kay Eros na ngayon ay tahimik pa ring nakatayo habang pinagmamasdan ang paligid.

"Nasaang parte na ba kasi tayo ng mundo? Akala ko ba ay hinahanap mo si Sir Veles?" Naiirita kong saad dito napatahimik naman ako rito ng bigla itong tumigin sa akin sandali.

"He claims that his location is in the West, near the mini forest park; I'm simply following his instructions, so don't blame me." Biglang saad nito sa akin bago muling tignan ang paligid.

West? Mini forest park? Bakit? Muka ba itong west at mini forest? PARK? Susginoomariamarimar!

Kung hindi siya ganoong magaling sa mga direksyon edi sana nagtanong siya 'di ba? Hindi naman siguro naman siya mamamatay sa pagtatanong?

Gusto ko sana itong sigawan ngunit 'wag na lamang dahil aaminin kong makatakot pa rin ito.

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.

"KUYA, nasa silangan tayong dalawa nakikita mo ba kung saan sumikat ang araw kaninang umaga? OO rito sa silangan dahil silangan 'to. Sa tingin mo ba ay mini forest ito? Ito mini forest? E muntik na nga tayong kainin ng kung anong mabangis na hayop kanina! At isang parke? Ano ba ang itsura ng parke sa iyo? Ganito? Muka ba itong puntahan ng mga taong namamasyal? O baka naman ay malabo lamang ang iyong mga mata kaya inakala mong parke 'to? Wala na bang pinagkaiba ang ang mini sa malaki mo? Susmariosep!" Mahabang lintyahan ko rito, napayuko na lamang ito at hindi lamang umimik.

I Become A Time Limited VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon