Chapter 6

227 10 2
                                    

Cyril's POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang isang madilim na silid na hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin ako sa sahig.

Saglit akong natulala ng mapagtantong bumalik na ako sa katawan ni Elyz.

Nakaramdam pa ako ng saglit na paninikip ng aking dibdib kaya hindi muna ako nagbalak tumayo at nanatili lang umupo sa aking pwesto.  Isang taon, isang taon ang kakailanganin kong manatili dito upang makabalik ako sa aking sariling katawan. Kailangan ko lamang baguhin ang pangyayari sa buhay ni Elyz, ang hindi maging isang obsessed na nilalang sa crown prince. Sa pagkakaalala ko ginawa ng lahat ng ina ni Elyz upang maging fiancè ni Elyz ang crown prince.

Naging magfiancè silang dalawa na kinalaunan ay hindi din nagtagal dahil nga kay Bella. At dahil doon hindi natanggap ni Elyz ang pangyayari kaya't si Bella ang ginantihan niya.

So ang kailangan ko lamang gawin ay hindi dapat matuloy ang engagement ni Elyz at Crown Prince!

At syempre hinding hindi ko malilimutan ang gusto ni Elyz, gusto niyang may makaalala sa kanya kapag siya ay namatay pero ang pinagtataka ko lang bakit isang taon na lamang ang natitira kay Elyz?

Nagbalak na rin akong tumayo dahil wala na akong nararamdam kakaiba sa aking katawan. Nagsimula na akong magtungo sa aking higaan at agad doon humiga at nagmunimuni muna.

Isang taon lang, makakabalik na ako.



Limang araw na ang lumipas matapos mangyari sa buhay ko ang naganap noong nakaraan,  simula rin noon ay sobrang nagbago na ang pananaw ko sa katauhan ni Elyz. Ako na itong naaawa tuwing iniiwasan siya ng mga katulong o kaya naman sa tuwing lalabas ako biglang isang Elyz mga masasamang titig ang mga natatanggap ko, pati na rin ang pagtrato ng kuya ni Elyz na si Eros sa kaniya nakakasakit hay. Kung magiging maayos ang samahan ni Eros at Elyz ay t'yak na magiging maayos at matiwasay ang magiging buhay ni Elyz. Tama! Ang daan sa mabuting buhay ay mabuting kuya!

BUAHAHAHAHAHAHHAAH

Habang nag-iisip ako ng mga daan kung paano kami magiging close ni Eros ay biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto agad ko naman sinabihan na pumasok na lamang ito na sinunod naman ng kumatok at walang iba kunghindi si Sir Zyxel.

Tinignan lamang ako nito kaya naman ay sinukliaan ko ito ng tingin na nagtatanong kung bakit, ngumiti muna ito bago sumagot.

"Nais niyo bang lumibot ngayon gabi? Magkakaroon kasi ng palabas dahil sa kaarawan ng anak ng ating minamahal na Emperor."

Napaisip ako sandali 

"Dadalo rin ba sila Kuya?" Tanong ko rito mapapansing ding nagulat pa ang ekspresyon nito sa tanong ko ngunit hindi ko na lamang pinansin.

"Ang buong pamilya niyo milady ay nagbabalak tumungo sa kasiyahan ngunit sa aking palagay ay si Lord Eros lamang ang matutuloy." Sagot nito na ikinalaki ng aking mata at ikinatuwa.

"Talaga si Kuya pupunta?" Tanong ko muli rito. Tumango na lamang ito bilang sagot.

Mukang dito na ako gagawa ng aksyon.









Kanina pa akong naghihintay sa kuya ni Elyz na si Eros  na bumbaba dahil sa kaniya ako sasabay! Binabalak ko na ngayong gabi ay susundan ko siya sa kung saan man siya pupunta sa ayaw man niya o sa gusto dahil ang motto ko sa mundong ito ay 'ang daan sa mabuting buhay ay mabuting kuya!' BUAHHAUAUHAUHAUA ngunit susginoomaria isang oras na akong naghihintay dito naunahan ko pa nga itong mag-ayos samantala kung ako ang tatanungin ay may madaming pang etsetseburetse ang pinaglalagay sa aking muka maging sa aking buhok at kasuotan hay tapos siya pa itong mas matagal sa aming dalawa. Katabi ko ring nakatayo na naghihintay din ay si Sir Zyxel na naninibago ang pagtingin sa akin, sabagay kahit ako rin naman ay mapapaisip at maninibago sa kinikilos ng dating walang pasensya, mainitin ang ulo, at nakasimangot lagi na amo mo 'no pero hindi ko na lamang ito pinansin dahil ang goal ko ngayon gabi ay mapalapit kami ni Eros hay.

I Become A Time Limited VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon