IBATLV

695 21 8
                                    

• • •

Sana,

sana naging jumpo hotdog na lang ako para kaya ko na ‘to.

"Your highness!?"  dahil sa narinig ay mas lalo ko lamang siniksik ang aking sarili sa likod ng mga nagtataasan mga damo rito sa isang hardin na paborito kong puntahan sa palasyo.

‘Bahala ka r'yan, lalabas ako at maggagala kung kailan ko gusto!’

At nanatili akong tago sa aking pwesto ng mayroon pang isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"Where is she?"

"Hindi pa rin po siya lumalabas, your highness." Sagot naman ng isang katulong na kanina pa sa akin naghahanap at nagtatawag.

Matapos iyon sabihin ng katulong ay nakita ko naman ang paghilot sa sentido ng lalaking bagong dating lamang.

"Elyz? We need to talk, so come out." Pagsasalita pa nito.

Kahit nangangati na ako sa aking pwesto at naiinitan ay wala akong balak lumabas.

May binulong ito sa katulong kaya agad itong umalis at natira kaming dalawa na nandito sa napakagandang garden.

"Elyz."

"Ok, fine papayagan na kita basta kasama mo ang kuya mo." Pagsuko nito sa akin.

Kaya naman walang pag-aalinlangan akong biglang tumayo sa kinauupuan ko na siyang kinalaki ng kan’yang mga mata sa gulat, agad ko itong nilapitan at dinamba nang mahigpit na yakap.

Naramdaman ko rin ang pagyakap nito pabalik sa akin kaya naman napakalaki ng ngiti ko sa labi dahil nauto ko na naman siya hays, pag-iinarte lang pala ang way para mapakiusap—

"It's obviously a joke."

"What?! Bahala ka nga!!" Inis na inis kong saad dito at naglakad paalis.

Joke? joke niya muka niya!

Kung hindi ko siya mauuto, may kilala pa akong uto-uto. Napangiti ako wala sa oras nang maalala ko ang taong iyon. BUAHAHAHA!















"Sir Zyxel!!! Let's go pinayagan ako hehe." Pagsisinungaling ko rito ng makalapit ako.

Nakita ko ang bakas na pagkabahala nito at alam kong hindi ito naniniwala sa akin.

Wow?

Kilalang loyal si Sir Zyxel kay Elyz sa kwento, ‘yong tipong kahit ano sabihinin ni Elyz gagawin niya pero.. ano ito?

Hindi na ba siya uto-uto? Nagbago na ba siya? Kailan pa?

Ganon ba talaga kadelikadong lumabas ako ng palasyong ito?

Sino ba naman kasing itlog ng manok ang mag-aakalang magiging Crown Princess ako rito, akala ko ba kontrabida ang ganap ko rito?

hays.

* * *






First of all, 'di po ako magaling magnarate. Sorry sa mga mali maling grammar at mga spelling na 'di ko napapansin. Gusto ko lang po talaga i-share ang mga nabubuong scene at kwento sa utak ko. HAHAHAHAHA. btw thank you dahil naisipan mong basahin at buklatin ang story na 'to, sana masarap ulam niyo buong taon. (≧▽≦).

-otor








ctto po sa book cover (人*'∀`)。*゚+

I Become A Time Limited VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon