Chapter 13

118 4 0
                                    

* * *

Cyril's POV

"A-ah, balik na lang ako"

"No, come in." 

At dahil doon ay wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa bakanteng upuang katabi ni Eros. Nakakahiya naman kung sa kaibigan niya ako tumabi. Tatlo sila. Isa rito si Sir Veles at ang isa naman ay kasama niya noong dumalaw dito si Sir Veles at sinasabihan siyang maghanap na siya ng partner niya sa Ball. Kulay violet ang mata't buhok nito samantala ang isa naman ay black hair at black eyes.

"Do you have something important to say?" Tanong ni Eros pagkaupo ko agad.

Dahan-dahan ako ritong umiling at pinalapit na lang si Sir Zyxel habang bitbit ang niluto ko.

"Nagluto kasi ako ng Potato Ball d-dahil sa kasalanan ko kagabi hehe." Nahihiya ko ritong saad at napaiwas ng tingin sa kaniya.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ni Eros na andito, ang kulay violet ang buhok ay mukang hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon. 

Hindi naman umimik si Eros ngunit kumuha ito ng isa at tinikman.

Tiningnan ko kung anong magiging reaksyon nito pero poker face lang ito. Hindi ba siya nasarapan?! 

"M-masarap ba?"

Tumingin ito sa akin saglit bago sumagot.

"It's fine."

Hindi ko alam kung anong irereak ko sa sagot niya pero sige kung saan siya masaya. Siya na nga 'tong pinagluto ko.

Muli akong napatingin kina Sir Veles, hindi pa rin mabubura sa itsura nila ang hindi makapaniwala.

"Try niyo rin! Ako nagluto niyan!" Proud kong saad sa kanilang tatlo.

"W-wow! Sakto nagugutom na ako, Lady Elyz!" Masayang saad ng kulay violet ang buhok matapos nito mahimasmasan.

Kukuha na sana ito pero agad naman tinapik ni Eros ang kamay nito na kukuha na sana.

"This is mine." Saad nito sabay kuha sa plato at nilagay sa kaniyang lamesa.

Matapos niyang ilagay iyon sa lamesa ay bumaling ito sa akin ng tingin. 

"If you don't have any business with me, then leave. We're having an important meeting."

Ngumiti na lang ako rito bilang sagot dahil hindi yata kakayanin ng dibdib ko ang iritang nararamadaman ko ngayon. Hindi na lang ako nagsalita bagkus ay tuloy tuloy na tumayo at umalis. Ako na rin ang nagsarado ng pinto nito.

Pero hindi pa lang ako nakakalayo nang marinig ko ang tawa ng kulay violet ang buhok.

HAYST! 

"Lady Elyz, pinapatawag ka po ni Countess Melissa sa kaniyang silid." Hindi palang ako nakakalayo kay Eros bibisitahin ko naman ngayong ang nanay nila?

Hay talaga.

Wala naman ako nagawa kung hindi ang sumunod. Kumatok ang katulong na tumawag sa akin sa pinto ng silid ng nanay ni Elyz.

"Countess Melissa, andito na po si Lady Elyz."

"Come in."

Pagkabukas ng pinto ay agad din akong pumasok at nagbigay galang sa ina ni Elyz. Oh 'di ba family pero dapat formal pa rin.

"It seems that you're not doing anything about what I've told you to do. It doesn't matter anymore anyway." Saad nito sabay hagis sa lamesa ng isang imbitasyo na mula sa palasyo dahil sa seal nito.

Dahan-dahan kong kinuha ito at binuksan.

"Our Majesty chose you already. So, try as hard as you can not to mess up. Now, leave."

I Become A Time Limited VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon