Chapter 12

113 3 0
                                    

* * *

Cyril's POV

"H-huh?"

Tila hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Sir Zyair kaya nginitian ko na lang ito bago inexplain lahat sa kaniya, pero syempre inalis ko ang katotohanan na ako si Elyz, na ang gusto ng nanay ko ay ang Crown Prince ang sinabi ko lamang ay nais ng nanay ko na i-arrange ako sa taong hinding hindi ko magugustuhan.

"I never expected that you would have this kind of problem, Lady Cy. I- I actually don't know if I'm lucky that I met you today." Makabuluhang sagot nito matapos kong ikwento lahat ng detalye sa buhay ko kung bakit naghahanap ako ng fake lover.

Hindi raw niya alam kung lucky siya dahil nakita niya ako ngayong araw?? Sinasabi ba niyang malas dahil siya pa natanong ko para roon!!?

Tinignan ko ito ng mukang disappointed pero mukang nakuha niya naman agad.

"Hey! Hindi ganon sa iniisip mo ang gusto kong sabihin. What I'm trying to say is that I had the same situation as you and had to find a fake fiancé."

"Wow! I think Sir Zyair. Ikaw na siguro ang destiny ko!"

Hinawakan ko pa ang dalawang kamay nito at tumango tango sa harap nito.

"So, Sir Zyair gusto mo bang makipagdeal?"

Halos isang oras kaming nag-usap tungkol sa aming plano ni Sir Zyair. Katulad ko ay inaa-arrange rin siya ng pamilya niya sa taong hindi naman din niya gusto. At wala na siyang choice kung hindi maghanap ng suitable na fake fiance niya para lamang hindi matuloy ang pag-aanunsyo kung sino ang magiging fiance niya.

Kailangan lang naming magpanggap syempre hangga't sumuko na ang pamilya niya at sumuko na ang nanay ni Elyz WUAHWUWAHUWHAWUAUWA!

Ihahatid pa sana ako ni Sir Zyair pero tumanggi ako agad dahil hindi niya p'wedeng malaman na ako si Elyz. Malay ko ba kung may tinatanim na galit sa akin ang kaniyang pamilya.

Tahimik akong naglalakad papasok ng gate. Nang makilala ako ng guard ay agad silang nagbow sa akin.

"L-lady Elyz, mabuti't po ay nakauwi ka nang maayos. Kanina ka pa po hinahanap nina Sir Zyxel at lalong lalo na ni Lord Eros." 

Natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa narinig kong pangalan.

"Hinahanap ako ni Kuya?" 

Tumango na lang ito bilang sagot.








Fuck.




Shet.






Mauubos na yata ang kuko ko sa hinalalaki kong daliri dahil sa pagkagat ko rito. Papasok pa ba ako? 

Bakit ba ako natatakot?

Tinatanong ko pa ba 'yan??

Hindi okay lang ako, hindi ako natatakot, oo hindi ako takot! Sinong may sabing natatakot ako?!

Hindi ako natatako--

"Oh, it's good to know that you can still find your way home."

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang kanina pa pala nakabukas ang pinto ng mansyon na kung saan nakatayo si Eros maging si Sir Zyxel sa gilid nito.

"Oo nga e, akala ko kanina maliligaw na ako, pero huy ako 'to 'no?" Pagbibiro ko habang kinakamot ang batok ko pero hindi yata natuwa si Eros sa joke ko.

"M-matutulog na ako hehe, night."  Dire-diretso na sana akong aakyat sa taas para pumasok sa aking kwarto pero.

"Stop."

I Become A Time Limited VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon