CHAPTER 9

19 1 0
                                    


"KALI!"

Lumingon ako kung saang direksyon nanggaling ang boses ng tumawag sakin, there I saw an unexpected person or maybe this is just a coincidence, nasa kabilang bahagi siya ng daan at naghihintay kung kailan pwede ng makatawid. When he finally crossed the street he walked towards my direction and smiled at me.

"Hi Kali, sorry natagalan lang ng kunti, hehehe." He said, dyos ko! Ayuko kong mag-assume pero is this even true?

"Drystan?" nagtataka kong tanong na para bang di makapaniwala sa nakikita ko ngayon. "Anong ginagawa mo dito?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Uhm, hahatid ka pauwi?" patanong din niyang sagot. Ano to may bago na palang patakaran ngayon? Ang sagot sa tanong ay tanong rin ganon?

"Iwan ko sayo Drystan ah, basta ako uuwi nako." Naiiling kong sabi sa kanya at nag umpisa ng maglakad palayo, pero di pa ako nakakalayo ay tumunog naman ang phone ko, "Hello? Mr. Walang magawa sa buhay please lang tantanan mo ko at kailangan ko ng umuwi." Deritso ko sagot sa kanilang linya.

He chuckled, "Miss Masungit with a heart kaya nga po nandito na ako para ihatid ka."

Napakunot naman ang noo ko dahil kung nandito na siya dapat kanina ko pa siya nakita kaso si Dry---Napalingon agad ako sa direksyon kong saan nakatayo si Drystan hawak-hawak ang kanyang phone sa my tinga niya.

He smiled at me, "Took you long enough to realize that." Pinatay niya naman ang tawag at naglakad papunta sa kinatatayoan ko, my gaze followed him in every step he made.

I don't know. I'm so speechless, kasi ang bilis niyang nakuha ang number ko kila Peach, and for having that confidence to approach me. Nailing lang ako at nag-umpisang maglakad, na feel ko namang summunod siya sa may likod ko.

"Di mo ba itatanong kong saan ko nakuha ang number mo?" biglang tanong niya dahil mag iilang minuto narin kaming tahimik na naglalakad.

A faint smile escaped my lips bago siya sinagot. "Di ko na itatanong kong saan mo nakuha ang number ko. Kasi alam ko kung kanino mo pwedeng makuha ang number ko." I said while facing him, it means na naka talikod akong naglalakad.

"Hahaha, nga naman, humarap ka na sa nilalakaran mo Kali." He said with a hint of concern in his voice. I just shook my head before facing the road, but an unexpected thing happened, saktong pag hakbang ko ay may naapakan akong bato na nagging dahilan ng pagkatapilok ko.

"KALI!" Drystan shouted while trying to reach out to me, luckily he did catch me. "Ghad! Are you okay?" nag-aalala niyang tanong habang akay-akay ako.

"Okay lang ako, thanks." I assured him while trying to stand alone, "Ouch!" daing ko nang makaramdam ako ng kirot sa may paa ko.

"I guess you sprained your foot, upo ka muna sa may bato." Sabi niya habang inaakay ako sa may malaking bato para maupo. He checked on my foot and slightly massaged it, "Here, do you still feel a bit of discomfort?" he asked while still massaging on my sprained ankle.

I'm still observing kong sobrang sakito ba o hindi ng ankle ko bago sumagot, "Uhm, may kunting kirot pero kaya naman."

He looked at me in the eyes for a bit bago siya magsalita ulit, "Kaya mo bang maglakad?"

"Yep, hahaha, stop worrying. Maliit na bagay lang to sakin." Pag-aassure ko sa kanya, he helped me stand. I signed at him na kaya kong tumayo mag-isa. He hesitated a bit pero hinayaan niya naman akong gumalaw ng mag-isa though he's on alert incase na matumba ulit ako.

Nag-umpisa na ulit kaming maglakad nasa tabi ko siya na para bang balisa at hindi ma kalma dahil baka daw matumba ulit ako. Seriously? I might be born clumsy but I'm not stupid enough to let it happen twice.

"Dry, pwede bang kumalma ka? Hindi ako pilay okay? I just sprained it a little." Pagpapakalma ko sa kanya, huminto naman siya at humarap sa akin.

"Just let me carry you okay? Malapit na naman din tayo kaya mas okay na buhatin na lang kita para di na ma strained yung muscle ng paa mo?" medyo hysterical niyang sabi, natawa naman ako sa reaction niya.

"Kagaya ng sinabi mo Dry malapit na tayo sa amin nasa kabilang kanto nalang, so ibig sabihin kaya kong maglakad at kakayanin ko hanggang makauwi ako sa amin, okay?" sabi ko sa kanya sabay smile sa kanya para maniwala siyang okay lang talaga ako.

He was about to answer but hesitated again, "Fine! Just let me hold you at least, okay?" pagsuko niya.

"Ano to chansing? Hahaha" natatawa kong sabi sa kanya. Nailing naman siya pero nangiti rin sa huli.

"Di ba pwedeng gentleman lang? chansing agad-agad?" Defensive na sabi niya.

"Hahaha, wag ako Dry." Nag make-face lang siya sa sinabi ko. "Btw, hatid mo nalang ako sa may kanto okay. Huwag ka ng magpumilit na ihatid ako sa may amin, alam mo naman mga tao dun." Pagpapaalala ko sa kanya.

"Sure ka kaya mo mag-isa?" pagsisiguro niya, tumango lang ako bilang sagot, "Fine, but text me the moment you got home okay?"

"Yep I will."

Nang dumating na kami sa may kanto ay nag dalawang isip pa talaga siya bago ako hayaang maglakad mag-isa pauwi sa amin. Di naman sa ayukong magpatulong umiiwas lang ako sa chismis. Ang hirap kasi ng nakatira ka sa isang barangay na halos lahat ng tao konektado sayo. Kumbaga naging isang compound ng family naman yung barangay both sides ng grandparents ko sa mother side.

Buti nga napilit ko yung si Dry na hayaan ako pero sa isang condition na di siya uuwi hanggat di niya ko nakikitang pumasok sa may gate namin. Pumayag nalang din ako para matapos na.

Nakatayo lang siya sa may puno ng kahoy malapit sa may daan habang sinusundan ako ng tingin. Nakasalubong ko naman yung ibang pinsan ko at tinanong kong okay lang ba ako, sabi ko naman na okay lan. Hahatid pa sana nila ako pero sakto namang dumating si Kier at inakay ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay though galit sakin si Mama bigla naman niya kong nakausap dahil bakit daw gabi nako nauwi at ano daw nangyari sa paa. Sinabi ko nalang na may practice kami kanina para sa isang subject tas natapilok ako. Sakto ding pumasok si papa sa bahay at nakitang nasa sala ako kaya naman nagpaalam nakong magbibihis.

Sometimes I don't really like it kapag nandyan si Papa at nakikitang nagkakasakit or may nangyaring di maganda sakin. Hindi ko alam kong bakit pero siguro simula ng mamulat ako ng maaga sa mundong to marami akong na realize na mga bagay.

I just don't like it maybe because of the way he looked at me, iwan ko parang galit na may halong pighati ang mga mata niya sa tuwing tinitingnan niya ko. I don't wanna assume pero baka nga guni-guni ko lang din ang lahat.

Pagkatapos kong kumain at maghugas ay sinamahan ako ni Klien na magpamasahe sa paa ko sa Lola namin, bali pinsan ng Lolo ko. Namamaga na kasi at feeling namin di ako makakapaglakad ng maayos kapag hindi yun namasahe.

Pagkauwi ko ay diretso agad ako sa kwarto, pero narinig ko sila mama at papa na parang may seryosong pinag-uusapan sa mag kusina, kukuha sana kasi ang ng tubig kaso di ko nalang tinuloy.

"Alam mo di naman mag kakaganyan yan si Kali kong di mo rin siya pini-pressure Rob! Alam ko naman na ayaw sa amin ng family mo, simula nung una kahit pa dumating na si Kali sa buhay natin hindi agad nila tayo binigyan ng basbas nila para magpakasal. Kaya nga lumaki si Kali diba na apilyido ko ang dala kasi ayaw nilang maniwala na anak mo siya!" hinaing ni mama kay papa.

Napakunot naman ang noo ni Papa sa sinabi ni Mama, "I never pressured her Lucy! Tama lang naman na mag mature siya agad kasi siya ang panganay! And please lang Lucy sa tagal na ng panahon na yun yan parin iniisip mo!?" nakahawak sa sintidong sabi niya.

"Bakit Rob? Sa tingin mo ba di ko nakikita at nararamdaman na sobrang iba ng pakikitungo nila kay Kali? Lahat binibigay nila ng fair sa magpinsan, naintindihan ko pa sa case ni Kier kasi sa kanila lumaki nung nasa malayo tayo parehas nagtratrabaho at naiwan dito si Kier, pero makitang si Kali at Klien ang palaging kinakawawa, Rob masakit kasi di ko kayang tumayo para sa kanila!" naluluhang sabi niya.

Di ko na alam anong sinagot ni Papa dahil bumalik nako sa kwarto, di ko na kasi mapigilan ang hikbi ko. Akala ko di na papansin ni mama lahat ng mga bagay nayon, I always make sure that things are alright, na walang makakapansin.

Ang hirap, masakit, pero kailangan. Kailan nga ba nag simula ang lahat?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Algea Series: Fragment of SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon