JIA POV
It was a great game against our sister team, the Choco Mucho. Ang lakas talaga ng team nila, inabot kami ng five sets. Pero syempre hindi naman ako papayag na sa unang professional game ko ay talo agad ang sasalubong sa akin.
Pagdating ng 5th set, ibinigay na ng team ang lahat. It was back and forth sa scoring pero ng umabot na sa dulo, ang team namin ang nanaig.
They made crucial errors and we take the advantage of it. Kung kaya naman ay naiuwi ng team ang panalo sa score 12/15 sa 5th set.
But then, ang ganda ng naging laban, though nakakastress at may pressurre worth it naman ang pagkapanalo at sobrang saya lang kapag ganun ang laban at naipanalo.
Kaya ngayon, andito ang buong team sa isang resto para magcelebrate. Kasama din namin ang Choco Mucho team. Ang Rebisco management kasi ang nagtreat dahil sa magandang laban na ipinakita ng both team.
DEN: "Pakilabas nga po yung Tots Carlos."
Unang banat niya sa aming team. Magkatapat ang pwesto ng team nila sa amin sa kainan.
TOTS: "Huwag pong ganun ate Den. Hahahaha."
Magiliw at nakangiti na sagot niya rito. Yung mukha niya ay para ngang nagmamakawa pa kay ate Den.
KAT: "That's right. Take her out of the place, please."
Singit naman niya sa usapan.
TOTS: "Wala naman po akong ginawang kasalanan. Bakit po kayo ganyan sa akin?"
DES: "Kasalanan mo kung bakit kami natalo. Bakit naman kasi kanina ay ginalingan mo masyado?"
DEANNA: "Hindi ka na naawa muntik mo pa nga mafacial si ate Den kanina."
DEN: "Tssskkk. Sadya niya talaga yun Deans. Gusto niya talaga ako mafacial, nakaiwas lang talaga ako."
TOTS: "Hindi po. Ikaw pa ba ate Den? Lodi po kaya kita. Hindi ko po sadya yun. Kaya nga po nagsorry po ako agad."
ISA: "Sinungaling. Kita naman ng lahat na sadya mo talaga yun. Kaya palayasin na po yan dito."
TOTS: "Huwag ka ngang ganyan Isa. Kainis ka."
ELLA: "May napansin ako Tots."
Panimulang hirit niya at nakangisi pa siya. May binabalak na naman siyang hindi kanais nais.
TOTS: "Ano na naman po yan ate Ella? Hayan na naman po tayo eh. Ako na naman. Lagi na lang po ako."
Pagdadrama niya. Alam niya kasi na may binabalak naman itong hindi maganda.
ELLA: "Bakit kapag si Isa na ang katapat mo hindi mo pinapaluan ng malakas. Pero kapag iba ang nagbabantay sayo, grabe ka makapalo. Wagas."
Makahulugan niyang wika.
KAT: "Truth."
She responded right away.
MICH: "Pansin ko nga."
Pagsang-ayon din niya.
DES: "Oo nga. Pansin ko din. Bakit naman may ganun Tots?"
DEN: "Tots ah, may favoritism ka. Tsskkkk."
ELLA: "Favoritism lang ba talaga? Parang ano eh..."
Pero hindi na niya tinuloy pa ang sasabihin. Sinadya niya talagang lagyan ng laman ang sinabi.
TOTS: "Hay nako, hayan na naman po siya. Issue na naman po."
ELLA: "Anong issue? Kahit sila nga nakapansin din. Nagtatanong lang naman ako."
YOU ARE READING
BEAST in ME
Non-FictionWhat lies in the dark is a mystery. For some a mystery that has to remain hidden but for others it is something special waiting to be unfold. And only those who have the strongest of hearts have the courage to unravel and discover what lies beyond t...