PART 25

47 4 0
                                    

Nakakita si author ng picture na magkasama ang JiBea sa isang event ng Under Armour. Kakamiss tuloy na makita silang maglaro sa court together. Lalo ngayon na bumabalik na naman ang magandang laro ni Bea.

College days pa lang magaling na si Bea, madalas double digits ang score niya. Nung napunta siya sa Choco Mucho, hindi na ganun kaganda nilaro niya dahil siguro sa injury. Hanggang sa madalas ay nabangko na lang siya.

Napunta siya sa Creamline, nabigyan ng opportunity, kaya bumabalik na ang dating galaw niya. Siguro timing din na nakarecover na siya sa injury niya. Good to see her play again with joy and confidence.

Congratulations Creamline, ang ganda ng laban nila against Choco Mucho last time. Lalo na yung third set, ang layo ng hinabol ng Creamline. Ang ganda din ng nilaro ni Bea that time. Good decision na lumipat siya sa Creamline dahil nakakapaglaro siya.

Sayang lang at medyo bumaba ang laro ng Choco Mucho. Malaking bagay din talaga si Sisi Rondina sa kanila. Hopefully, makabalik siya at gumal8ng na injuries ng mga teammates nila para palaban ulit ang Choco Mucho.

But happy to see JiBea pictures na magkasama. Ang gaan lang sa mata na tingnan na magkasama sila. Si Bea maganda na dati, pero ngayon lalo gumaganda. Inspired ata. Baka nga may lovelife na siya.

Goodluck Jia sa bagong contracy sa Japan. Sana mas lao pa siya gumaling.

-------------------------------------------------------

JIA POV

Today is just another day. I woke up feeling sleepy but needed to get out of bed so I won't be late for the meeting. We have a team meeting kaya walang training. I think it is a good news na may meeting kasi wala kaming training. But still, I have to wake up now.

Tinatamad man, napilitan na rin akong bumangon. After magbihis, lumabas na ako ng room at pumunta na sa sala kung saan nadatnan ko ang aking mga magulang.

MAMU: "Nakahain na ang pagkain mo sa kusina. Andun na din ang kapatid mo, sumabay ka na sa kanya."

JIA: "Good morning po Mamu, good morning po Papu."

Wika ko sabay lapit sa kanila para magmano.

PAPU: "Good morning. Kumain ka na at ako na maghahatid sa inyong dalawa ng kapatid mo."

Wika niya ng magmano ako sa kanya. Happy to hear na siya ang maghahatid. I always feel safe kapag kasama ko si Papu. Kapag may free time siya, he made sure na siya ang naghahatid at sumusundo sa akin at sa kapatid ko.

JIA: "Thanks Papu. Nag breakfast na po ba kayo?"

PAPU: "Mamaya na lang ako kakain pagkahatid ko sa inyo. Sabay kami ng Mamu mo kakain mamaya pagbalik ko."

JIA: "Sige po. Maiwanan ko na po muna kayo."

Dumiretso na ako sa kusina kung saan ay nadatnan ko na kumakain ang aking kapatid.

JIA: "Ang aga mo gumising ah, akala ko ba sabi mo kagabi wala kang pasok today?!"

Bungad ko sa kanya at naupo na sa katapat niya.

JOBOK: "Wala po akong pasok today. Sasamahan lang po kita sa meeting mo, since wala naman ako gagawin."

Napatingin ako sa kanya.

JIA: "Tsskkkkkk. Ang sabihin mo, may gusto ka lang makita sa team."

Wika ko sabay kuha ng plato at nilagyan na ito ng pagkain.

JOBOK: "Kumain ka na nga lang po. Dami mong issue. Ayan, sarap pa naman ng ulam."

JIA: "Hindi issue yun, totoo yun. Hahahaha."

BEAST in MEWhere stories live. Discover now