Epilogue

1.4K 37 28
                                    

"Look! There she comes!"

Napalingon ako sa sinabi ng classmate kong si Andrew sa tinutukoy niya.


Kasalukuyan kaming nasa waiting area sa loob ng school campus at tumatambay habang hindi pa nag-fifirst bell. Tinignan ko siya at nakita kong paano siya tutok na tutok sa itinutukoy niyang babae kaya napatingin nalang rin ako.


"Man! She's beautiful. Bakit ba hindi ako nag-HUMSS eh sana ngayon ay classmate kami," puna niya.


Bahagyang nagtagpo ang aking mga kilay at lumingon sa harap namin at nakita iyong dalawang babae na naglalakad.


Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Seraphina Epiphany. Iyong sikat na HUMSS student na halos lahat crush ng mga kalalakihan sa school. Halos lang..., kasi hindi ako kasali sa mga nagkakagusto sa kaniya. Dahil..., iba ang gusto ko.


There she goes with her usual hairstyle. Laging naka-half ponytail ang kaniyang buhok na may konting buhok sa gilid. Half ponytail with side hairs.


Alam na alam ko noh? Syempre. Niresearch ko pa dahil gusto kong malaman kung ano ang tawag sa usual hairstyle niya. At bagay na bagay talaga sa kaniya.


"Here she comes man. Mag go-goodmorning ako." Excited na puna ni Andrew sa akin.


Papalapit na silang dalawa sa aming gawi at gaya ng sinabi ni Andrew, nag good morning siya.


"Good morning, Fina."


Fina being the extroverted and sociable person, she replied. "Hi! Good morning!"


Kinilig naman si Andrew sa gilid ko. Ngunit hindi ko siya pinansin dahil nasa iba yung pansin ko.


Diretso lang siyang nakatingin sa harapan niya at hindi man lang lumingon sa gawi namin. Halatang sanay na nasa kambal niya lagi ang atensyon ng mga tao at wala siyang pakielam kung may papansin sa kaniya o wala.


Magpapa-pansin kaya ako sa kaniya? Napa-isip ako.


***


"Fuck you, jerk!"


My attempt to help her and make her notice me ended up badly. Her fist found my face and punched me. Hard.


I felt my right face numb from her punch. She looked at me darkly and didn't even realize that there was someone who saw us not until the person screamed.


"Why did you punch him, twinny?"


Napa-angat ang aking ulo at si Fina pala iyon, yung kambal niya.


Tinulungan itong iligpit ang mga nagkalat na products niya habang sapo ko ang mukha ko dahil sa suntok niya. Masakit siya talaga ngunit nang tinulungang iangat ni Fina si Euphoria, nakita ko kung paano nahihirapan siyang maglakad.


Namanhid ang sakit na nararamdaman ko sa'king mukha habang tinatanaw siyang nahihirapan sa paglalakad. Mas nasaktan akong nakita siyang ganoon dahil kasalanan ko.


Hindi ko na kailangang tumingin pa sa salamin upang alamin kung may pasa ako sa mukha dahil base palang sa lakas ng suntok niya sa akin, paniguradong nagkaroon iyon.


Napansin iyon ng teacher namin at tinanong kung ano ang nangyari. Nahagilap ng aking mata si Euphoria na kasama parin yung kambal niya at ang rumi na ng damit dahil sa pintura.


Siyempre, hindi ko sinabi yung totoo na sinuntok ako ni Euphoria dahil alam ko naman sa sarili ko na deserve ko 'yon. Nagkasala ako sa kaniya. Tingin ko nga kulang pa yung suntok na ginawa niya sa akin sa idinulot kong pagka-sala sa kaniya.


Right Where You Love Me (Celeste Twins: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon