Prologue

48 3 0
                                    

Lorrine,

           Ito na siguro ang pinakamasakit na araw sa buong buhay ko. Wala akong maayos na maisusulat na pamamaalam kase kung ako lang tatanungin ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayokong magpaalam sayo, I still want you here.

        Gusto ko lang balikan yong araw na una kitang nakita. Sariwa pa sa munti kong isipan ang pangyayaring yon kung saan habol habol mo pa ang tindero ng taho sa subdivision kung saan tayo nakatira. Hindi mo lang alam kung gaano kasarap sa pakiramdam noong pinasalamatan mo'ko at nagpakawala ka ng matamis na ngiti, sa kadahilanang ako na ang nagpresinta na humabol sa magtataho upang makabili kana.  Sa musmos kong katawan nakuha kong tumakbo ng mabilis para sa'yo. I'd never expected that that would be the start of our friendship.

                Pero ngayon, nasaan kana? Bakit ka nang-iwan? Akala ko ba walang iwanan? Bakit nauna ka? Bakit hinayaan mo'kong maiwan? Hindi mo man lang ako hinayaang tuparin ko yong pangako ko na liligawan kita pag tungtong natin ng highschool. Bakit kung kelan malapit na tayong mag highschool saka ka pa umalis? Lorrine just so you know, my heart may be young but it is pure and it beats only for you.

          It hurts now, I don't know how to endure this pain. Oh God! Mahal na mahal ka ng munti kong puso. Kung pwede ko lang maibalik yong panahon na malakas ka pa. Sana araw araw kong pinaramdam sa'yo kung gaano kita kamahal.

          I wish I was there when you were still fighting.

           I wish I was there to hug you while begging you to please Dont Say Goodbye!

                                                       S

Author's Note:
        Ayon na po nasimulan ko na din sa wakas yong story na to. Supposedly, wala to sa plano tong story na to or kahit ano pang story kase gusto ko munang tapusin yong Ang Boyfriend kong Artista. But.....
    There was a time na nanood ako ng Idol Philippines season 2 sa youtube.  Merong nag audition don na kumanta ng Give me your forever ni Zack Tabudlo. Habang pinapakinggan ko yong kanta may mga nagfaflash na scenes sa utak ko. Kaya sinulat ko agad kung ano yon, sinimulan ko siyang buuin. And while writing this story, I was listening his voice the whole time para tuloy tuloy lang ang ideas na pumapasok sa utak ko . Nico Crisostomo shout out sa'yo you're one of the reasons kung bakit nabuo tong story nato. Thank you guys. May bago kayong aabangan at susuportahan .
Please don't forget to read, comment and vote. I love you all ❤️

                All rights reserved
                             2022

August 1,2022❤️

Don't say goodbyeWhere stories live. Discover now