Corrine's POV:
Si papa ang naghatid sa'ming dalawa ni Melissa sa school. Hindi na kami pinagbitbit ni papa sa tig iisa naming dalang maleta sa halip ay siya na ang nagbuhat nito.
6:45 palang nang makarating kami sa school, wala na agad pagsidlan ang excitement naming dalawa ni Melissa.
"Corrine, Mel!" Patakbong salubong sa'min ni Stein, gaya namin ay halata din sa mukha niya ang excitement..Bakas pa din ang tuwa niya nang makalapit na sa gawi namin.. Pareho kaming natahimik nang biglang magsalita si Papa. "Ikaw na ba yan Stanley?"
"Good morning po tito.." magalang niya munang bati. "Si Steinley po ako". Sabi niya habang nakangiti pa din.
"Steinley? Aba'y kalaki ng pinagbago mo iho?" Parang namamangha pa si papa. Napakamot naman ng ulo si Steinley tsaka napahiyang napangiti.
" Oo nga po eh. Hehe! Teka lang po", singit niya saka agad nagpalinga linga nang makita niya na ang hinahanap. "Kuya!" Tawag niya, sakto lang para maagaw niya ang atensyon ng kuya niya. "Halika ka dali!" Bahagya pa akong natawa sa reaksyon ni Stanley, bagot na bagot ito habang naglalakad. Haha!
Nanlaki ang mga mata niya ng dumako ang paningin niya kay papa ngunit mabilis din siyang nakarecover at seryosong bumati dito. "Good morning."
Nginitian siya niya papa. "Mukhang nagkapalit yata kayo ng katauhan" Biro ni papa sa kanilang dalawa ngunit si Stein lang ang natawa at si Stan ay nanatiling seryoso ang mukha. "Bueno, kayo na ang bahala sa kanila ha." Paalaa ni papa, napansin niya sigurong hindi nakuha ni Stanley ang biro niya.
"Don't worry tito. Ako bahala sa kanila." Si Stein na animo'y nagmamalaki.
Napapailing nalang si papa habang natatawa. "Thank you, yan ang hindi kailanman nagbago sa inyo. Maalaga pa din kayo kay Corrine."
"Oo naman tito, alam niyo namang gaya ni Lorrine ay malapit na din sa'min to si Corrine..." Banat ulit si Stein na siya namang kinatuwa ni papa.
"Ok, I'll go ahead, take care anak. Call me if you need anything ok?"
"Yes pa."
"Mel, si Corrine ha.." baling niya kay Melissa.
"No worries tito." Paniniguro ni Mel
" O sige na . Enjoy everyone.."
"Ingat pa iloveyou." Yumakap pa ako sa kanya. Isa isa naman silang nagpaalam kay papa.
Napadako ang paningin ko kay Stanley, nagulat ako nang kunot noo siyang napatingin sa'kin. Parang pinag-aaralan ang kabuuan ng mukha ko... "Tara na Corrine," natinag lang ako nang pinulupot ni Mel yong braso niya sa braso ko. Hayun na pala si Stein at hatak hatak na ang mga maleta namin.
Hindi ko na ulit tinignan si Stan batid kong nasa likod lang siya namin. Naiilang ako sa ginawa niyang pagtitig sa'kin..
Nalaman namin na magkasama ang section A at B sa isang school bus. Kaya halos magtititili si Rizza sa sobrang saya. Hahaha!
"Tabi tabi tayong tatlo." Masaya niyang sabi.
"Kami ni Corrine ang magkatabi, ikaw humanap ka ng katabi mo." Pang-aasar niya kay Rizza. "Baka nakalimutan mong two seaters lang ang school bus?"
"Oh shit!" Nasapo niya ang noo. "Paano yan? Sino na katabi ko?" Para siyang nagmamaktol.
" Problema ba yon? Edi ako!"
Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napangiwi ako nang mapagtanto na si Harvey pala yon yong ex-boyfriend niyang chickboy na nagmula din sa kanilang section. Diyos ko! Sayang ang talino ng isang to..