Corrine's POV:
"Diba hindi ka makalakad nong nga bata pa tayo?" Dagdag niya pa kaya mas lalong hindi ako nakagalaw.
Pinahid ko muna yong namumuong luha ko saka buong tapang humarap sa kanya. "Hindi sa hindi ako makalakad kundi hirap lang akong maglakad non. Sa tulong ng therapy at sa awa ng Diyos nakapaglakad ako."
Ok ok. Tinaas niya pa ang dalawang kamay niya na animoy sumusuko. "Hindi mo na kailangang maiyak, nagtatanong lang naman ako eh." Sarkastiko niya bwelta.
"Ang dating kase ng tanong mo parang ayaw mo ang nakikita sa'kin ngayon eh." Mapait akong natawa. "Oo nga pala, I am not Lorrine. Sorry kung ako ang buhay ngayon ah." Dagdag ko pa, hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa dahil agad na akong tumakbo at hinayaan ko nalang tumulo yong luha ko. Tutal maaga pa naman , konti palang ang mga estudyante na nadaan.
Agad akong tumungo sa isa sa mga bench dito sa school at mag isa kong ininom yong taho na sana para kay Stanley. Laging gulat ko na may humablot dito at nung tinignan ko malapit na itong maubos ni Steinley.
"Ahhhhh."Sabi niya pa tapos inabot sa'kin ang walang laman na tumbler. "Buti nalang at ako ang unang nakakita sa'yo." Dagdag niya saka umupo na din sa tabi ko. "Teka umiiyak ka ba?" Tanong niya, marahil napansin niya na ang pamumula ng mga mata ko. "May nang-aaway pa din ba sa'yo?"
"W-wala... Inaantok pa kase ako, napaaga ang gising ko eh." Pagdadahilan ko naman, buti nalang at kinagat niya.
"Ok. Basta let me know kung may nangugulo pa sa'yo dito ha.."
Napatango nalang ako bilang sagot. "Paborito mo din pala ang taho?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Oo."
"Pareho pala tayo, pati si Kuya Stanley " Sabi niya pa na animo'y nagmamalaki. "Ba't ka natahimik?" Narinig ko ulit siyang nagsalita. Sa isip isip ko paborito pala niya? Pero bakit sabi niya kanina na hindi siya kumakain. "Ano ba iniisip mo?"
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita." Bakit sabi niya kanina na hindi daw siya kumakain ng taho?" Malungkot kong tanong na sa tingin ko ay napansin niya naman.
"Ahhhhh kaya pala....." Panimula niya na parang may napagtanto siya. Siguro nagkita sila ni Stanley kanina. "Nanggaling ka ba sa student council room kanina? Para sa kanya ba yong tahong ininom ko kanina?" Sunod sunod niyang tanong ngunit hindi naman ako makasagot, napaiwas nalang ako ng tingin.
"Ahaha! Kambal nga kayo." Patawa tawa niya pang sabi.
"A-ano ibig mong sabihin?"
"Pareho kayo ng taste . Hahahaha!" Muli na naman siyang tawa, wala pa din akong idea sa sinabi niya. "Si Lorrine din kase may crush kay kuya". Nanlaki ang mga mata ko sa nahalata niya na may crush din ako sa kuya niya. Omg! "Ayos lang naman yon, kung tutuusin boto din naman ako sa'yo" dagdag niya pa at sa pagkakataong ito nahiya ako sa sinabi niya. "Pero Corrine favor lang." Napatingin naman ako sa kanya. "Habaan mo pa sana ang pasensya mo sa kuya ko."
Nanatili pa din akong nakatingin sa kanya. "Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa din siya, alam ko kung gaano siya napamahal sa batang si Lorrine dati. Dahil saksi ako don. Siguro nasasaktan siya kapag nakikita ka niya. Pero huwag kang mag-alala mapapalambot mo din ang puso non."
Sabi niya sabay kindat."Sana nga" . Halos pabulong ko na yong sabi.
"Masiyahin dati si kuya, palakaibigan at palatawa. Kung tutuusin ako nga dati ang nasa katayuan niya ngayon eh. Ilag ako sa mga tao, tanging kay kuya at Lorrine lang ako komportable. At alam mo ba hindi ko tinatawag ng kuya yan si Stanley. Sinabi lang sa'kin ni Lorrine na mag bigay galang pa din daw ako sa kanya kahit kambal kami kase kung tutuusin mas panganay naman daw si Stanley." Sa hindi malamang dahilan may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. "Kaya nong nabalitaan namin na wala patay na yong kakambal mo, labis talaga kaming nasaktan. Habang ako nagpapatuloy at sinusunod ang mga payo ni Lorrine sa'kin si kuya naman ay unti unting nagbabago at parang nakikita ko na ang dati kong sarili sa kanya." Narinig kong napabuntong hininga siya ng malalim , batid ko'y nanumbalik din lahat sa kanya ang sakit.