1

52 1 0
                                    


Corrine's POV:

       "Oh anak? Bakit ka umiiyak?"

Mabilis kong pinunasan yung mga luha sa matako saka umayos ng upo sa kama ko." Nothing ma, binasa ko lang tong sulat.  "Sabi ko saka tipid akong ngumiti.

  "Ngayon mo lang ba nabasa  yang sulat na yan anak? "Lumapit na si mama sa gawi ko saka tumabi na din sa pag-upo sa'kin sa kama.

   " Opo." Matamlay kong sagot. "Naalala ko lang bigla si Lorrine."

  " Matagal na yan sa'yo ah.  Ilang araw matapos mamatay ang kakambal mo nasa sayo na yan. "

   "Ngayon ko lang po talaga naisipang basahin ma. Lalo pa't" Sandali akong natigil saka napabuntong hininga. "Babalik na tayo sa dati nating tinitirhan."

    "Are you really sure about this anak?" Sa tono ng boses ni mama halata ang pag-aalangan pero para sa'kin desidido na ako na manirahan ulit sa dati naming bahay.

    "Of course ma. I want to relive her memories. And .....  Basta ma alam mo na yon kung ano pa mga dahilan ko."

         "I'm sorry anak kung ito lang ang napamana namin sa inyo." Nagbabadya na din ang mga luha ni mama.  Bago pa ito bumagsak agad ko na siyang niyakap.

   "It's ok ma.  Masaya ako kung ano mang meron ako ngayon.  Kayo din po yong pinaka the best the parents sa buong mundo and I know Lorrine agrees with me."

  "Sus! As if naman may choice kayo." Natawa na lang ako sa hirit ni mama.  "Pero ito anak" , panimula niya matapos kumawala sa yakap namin . "Kahit ano man ang gusto mong gawin sa buhay mo asahan mong andito lang kami ng papa mo . Handang sumoporta sa'yo"

    "Salamat ma, salamat sa lahat. Mahal na mahal ko kayo ni papa"

"Mahal na mahal ka din namin anak.  Ikaw nalang ang natitira sa'min kaya wala kaming karapatan para pigilan kapa sa mga gusto mong gawin sa buhay"

    "Oh anak?" Naputol yung pagdadrama namin ni mama nang biglang umagaw eksena si papa. "Kala ko ba excited kana sa pagbabalik sa dati nating tirahan?"

    
     "Siyempre naman pa." Magiliw kong sagot sabay napatayo. "Ito kaseng si mama nagdrama pa. Haha!"

   "Ikaw kaya nauna . Gumaya lang ako" Bwelta naman ni mama sa'kin habang pinupunasan ang natitirang luha sa kanyang mata.

"Osiya sige na". Napapailing sa pagtawa si papa. " Tama na yang pagdadrama at babyahe na tayo ". Sabi ni papa at agad namang sumunod sa kanya si mama.

Ako naman maingat kong binalik yong sulat sa sobre na pinaglagyan nito. It has been six long years nang iabot sa'kin ni mama ang sulat na'to.  Ang bilis ng panahon anim na taon na din palang namahinga ang kakambal kong si Lorrine.

*****

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan kaya mabilis kong minulat ang mga mata ko. Pupungay pungay pa ito at pilit na inaninag ang labas ng bintana.

    Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang kulay asul na gate. Nag-iba man ang kulay nito pero alam ito yung gate ng dati naming bahay. Palatandaan ko ang letrang L at C na na nakaukit sa gate..

  "Anak akala ko ba excited ka bakit hindi ka pa bumaba riyan? Para matignan na ang loob ng bahay." Napatingin ako kay Papa na nakasilip sa bintana ng kotse.

    Binuksan ko yung pinto ng kotse tapos humarap kay papa na ngayo'y pinagmamasdan din pala ang dalawang letra na nakaukit sa'ming gate. "Gusto ko lang po munang pagmasdan ang kabuuan ng labas bago po pumasok."

"Namiss mo talaga dito anak no?" Makahulugang tanong ni papa.

   Matipid akong ngumiti.  "Kung alam niyo lang pa."

Don't say goodbyeWhere stories live. Discover now