3

52 3 0
                                    

Corrine's POV:

  Nagising ako sa malambot na kama, hindi na ako magtataka kung nasa bahay na ako. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, tumambad sa'kin ang nag-aalalang itsura nina Mama at Papa.

     "Anak kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?"Bungad agad ni mama sa'kin.

   "Medyo nahihilo pa din po ako ma, konting pahinga lang to, makakapasok pa din ako sa school bukas." Sagot ko saka dahan dahang umupo. Umalalay naman agad si papa.

   "Siya nga pala anak, nakarating na sa principal ang mga estudyante na gumawa niyan sa'yo." Si papa

     "Ano pong nangyari sa kanila ma? Pa? Hindi sila pwedeng ma expel.. graduating din sila gaya ko."

"Anak!" Medyo tumaas ang boses ni mama. "Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila sa'yo."

  "No ma! Ako na bahala. Please don't do that to them. Ayokong ito la ang dahilan kung bakit masisira ang application nila sa college" Pagsusumamo ko. Malalim na bumuntong hininga si mama saka marahang hinaplos ang buhok ko.

   "Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa buhay ko kung bakit binigay ka sa'kin. Napakabuti mong bata, ni hindi ka marunong magtanim ng galit anak." May namumuo ng luha sa mata niya.

     Tipid akong ngumiti. "Ma, lahat naman ng tao nagkakamali. Diyos nga nakapagpatawad. Ako pa kaya na pinatawad lang din ng Diyos sa kung ano mang mali ang nagawa ko."

    Mabilis na yumakap sa'kin si mama, sa pagkakataong to alam kong umiiyak na siya. Napapikit nalang ako, ayoko kasing madala sa pag-iyak niya. Minsan naaawa na lang talaga ako sa mga magulang ko. Noon pa man, nung buhay pa si Lorrine lagi na silang umiiyak hanggang ngayon umiiyak pa din. Haays!

    Nakapulupot yong braso ni Melissa sa braso ko habang naglalakad kami papasok ng campus. Sinisugurado niyang hindi na ako mawala sa paningin niya. Natakot siyang maulit na naman ang nangyari sa'kin kahapon.

   "Mel, para kang may kinakatakutan diyan. Makapulupot eh wagas. Haha!" Natatawa ko pang sabi sa kanya.

  "Natatakot naman talaga akong mapahamak ka ulit." Sa tono ng boses niya halata pa ding naguguilty siya.

"Walang may gusto sa nangyari . Ok?"

 " Ah basta Corrine. Walang pwedeng manakit sa'yo dito. Magkabugbugon man kami dito!" Buti nalang talaga at nandito si Melissa, pakiramdam ko tuloy may panibago akong kapatid sa katauhan niya.

      "Mamimiss kita..."

   "Huuh?!" Kunot noo niya kong tinignan. "Bakit? San ka pupunta?"

    "Bingi. Haha! Sabi ko namimiss ko na siya."

   "Ahh si Lorrine ba?" Tanong niya kaya napatango naman ko. "Wag kang mag-alala nandito naman ako. Ako nalang muna kapatid mo."

    "Oo, kaya bilang ate mo, tanggalin mo na yang braso mo. Ang bigat bigat na eh . Hahaha!"

  "Aww sorry." Mabilis naman siyang kumawala. Natawa nalang kami pareho saka masaya naming binabagtas papuntang classroom.

    

    "Ms. Vicente." Tawag sa'kin ng adviser namin, mabilis naman akong tumayo. "Pinapatawag ka sa principal's  office." Agad akong tumalima sa sinabi ng teacher namin.

  Pagkapasok ko sa principal's office. Nakita ko agad yong nanabunot sa'kin kahapon. Si Leanna at yong isa niyang kaibigan.

  "Take your seat Ms. Vicente." Maatoridad na sabi ni Ms. Principal.
Naupo naman ako katapat ng dalawang babae.
   "You know, I am very disappointed to the both of you." Bungad ni ma'am sa dalawa. "You should've treat her well, nakita niyo ng bago pa siya rito".

Don't say goodbyeWhere stories live. Discover now