8

35 0 0
                                    

Corrine's POV:

Halos magtalunan ang mga estudyante palabas ng bus sa sobrang excitement. Kanina pa ako namangha sa lugar na to. Magmula sa pagpasok namin sa malaking gate hanggang sa pag-akyat namin dito sa Retreat house.

     Malaki ang kabuuan ng bahay, 18th century pa daw ito ngunit kung titignan ay bagong bago pa. Halatang hindi napapabayaan.. Nasa tuktok ang mismong resthouse at pinalubutan ito ng malaking garden.

   Mula dito sa main door ay makikita mo ang karagatan.

      "Sa second floor kayo ng mga kaibigan mo." Natigil ang pagmuni muni ko nang marinig kong nagsalita si Stanley.

   " Andon na sila?" Tanong ko, hindi ko namalayan na medyo matagal pala ang pagtambay ko dito.

  "Oo at inaantay ka na nila". Sagot niya, nagulat naman ako. Hindi man lang ako inantay. Nagkanya kanya na kase kami kanina. Si Mel sinamahan ni Stein habang si Rizza ay no choice pumayag nading samahan ni Harvey kaysa naman daw sirain pa ang moment namin ni Stanley. "Andon na din ang mga gamit mo, ihahatid nalang kita." Presinta niya, hindi na din ako tumanggi sa halip ay sumama na din ako sa kanya.

   Maya maya lang, habang paakyat kami sa hagdan nakaramdam ako ng pagsisirko, buti nalang at nakahawak ako sa braso ni Stanley. " Ok ka lang? May problema ba?" Sunod sunod niyang tanong.

    "Nahihilo ata ako, parang gumagalaw tong nilalakaran ko." Nanghihina kong sabi habang nakahawak sa ulo.

   "  Kaya mo pa bang maglakad?" Bakas sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala. Nawala yong Stanley na kasing lamig ng yelo.

     "Magpahinga muna siguro ako saglit." Sabi ko saka napasandal sa railings ng hagdan ngunit laking gulat ko nang bigla niya kong buhatin ..

    "Hoy! Anong ginagawa mo?" Sabay hampas ko sa balikat niya. "Baka mahulog ako?! Baka mapagalitan pa tayo..."

    " Shhhh. Wag kang maingay." Maotoridad niya sabi dahilan para maitikom ko agad ang bibig ko. Halos takbuhin niya yong paakyat ng hagdan ngunit may kasama pa din itong pag-iingat.

      Taimtim akong nagdadasal na sana wala kaming makakasalubong na madre o di kaya makakita sa'min kundi pareho talaga kaming malalagot..

    Naiwang nakaawang ang isang pinto kaya mabilis itong sinagi ng braso ni Stanley saka dali daling pumasok sa loob.

    Sabay napatayo sina Rizza at Mel sa pagpasok namin ni Stanley.   "Anong nangyari?" Aligagang tanong ni Mel na agad inayos yong hihigaan ko, maingat naman akong nilapag ni Stanley.

   "Nahihilo daw siya, masakit din ang ulo." Tugon ni Stanley.

    "Wait kuha lang akong tubig.." singit ni Rizza na nag-alala na din.

     "Naku sorry Corrine, sana talaga hindi na ako humiwalay sa'yo." Hindi mapakaling sabi ni Melissa. "Ano nalang sasabihin ng mga magulang mo sa'kin."

     "Melissa. I'm ok." Paninigurado ko. "Nahihilo talaga ako pag mahaba ang biyahe, minsan nga sumusuka pa ako eh." Paliwanag ko para kumalma na siya.  She felt releived from what I said kaya napangiti ako.

   "Stay here ok? 3 pm pa naman ang magsisimula ang activity . I'll ask someone to bring your foods here." Pagkatapos sabihin ni Stanley yon aya nagpaalam muna siya na lumabas. Aasikasuhan pa daw niya ang mga guest speakers.

     "You sure your ok?" Tanong ni Rizza, gaya na Mel ay nag-aalala din siya.

     Nakangiti akong tumango and besides gumaan na din talaga ang pakiramdam ko. Dahil lang talaga to sa biyahe.

Don't say goodbyeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz