4

29 2 0
                                    

Corrine's POV:

"S-stanley." Bulong ko saka kumaripas ng takbo tungo kila Melissa and Rizza.
"Tara na." Mariin ko silang hinawakan saka hinila papunta sa canteen.

Nakahinga ako ng malalim nang makarating kami sa canteen na walang sumunod sa'min. Buong akala ko sa ginawa ko ay susundan ako ng kapatid ni Steinley para pagsalitaan ng masama. Tama sa Melissa, iba nga ang awra ng kapatid niya, malayong malayo sa magaan na pakikitungo ni Steinley.

Tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko nang isa isang nilapag nina Rizza at Mel ang pagkain namin. Sila na kase ang pinaorder ko.

" Yan tayo eh, hindi marunong mag-aya." Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang marinig namin ang boses ni Steinley. Mabilis ko siyang nilingon upang ikwento sana sa kanya ang unang tagpo namin ng kapatid niya." Stei--- " hindi ko na natapos, tumalikod ako ulit sa kadahilanang kasama niya ngayon si Stanley. Omg!

"Siya nga pala Kuya, si Corrine.." pakilala ni Steinley, kasalukuyan na silang nakaupo sa table namin.

"I met her earlier. Napagkamalan pa nga niya kong ikaw." Walang emosyon niyang sagot.

"Talaga! Haha." Natatawa pang sabi ni Steinley.

"Kelan mo pa kase siyang tinawag na kuya?" Tanong ko.

"H-ha?" Tanong ni Steinley, ramdam ko din na nasa'kin nakatuon ang atensyon ni Stanley.

"Bakit kase kuya? Eh kambal naman pala kayo. Akala ko tuloy nung sinabi mo sa'kin na kuya ay mas nakatatanda mo talagang kapatid." Sagot ko ulit, habang patuloy sa pagkain. Yong dalawa kong kaibigan ay tahimik lang sa pagkain. Siguro hindi din sila kumportable na nandito si Stanley.

"Mas matanda naman talaga siya ah . Haha! Nauna siya sa'kin ng 10 mins." Pagmamalaki niya pang sagot, kasalukuyang isinerve nadin ang orders nilang kambal.

"Ibig ko kasing sabihin... Ah basta hayaan mo na nga lang. " Hindi ko na nalang tinuloy baka humaba pa ang paliwanagan namin. "By the way Stanley, I'm sorry.." sincere kong sabi.

Sa halip ay tumugon, tinitigan niya lang ako sa mata. Tila may pa fireworks na naman sa puso sa sobrang lakas na naman ng kalabog nito. Whoooh! Ano ba tong nararamdaman ko? Kailan ko na bang magpacheck up sa cardiologist?

Napayuko ako, kase hindi ko na talaga kayang makipagtitigan sa kanya.

"Hoy Corrine!" Mahinang sundot ni Melissa sa pisngi ko. "Ano problema mo?"

"Bakit? Ano ba ginagawa ko?" Taka kong tanong sa kanya.

"Kanina kapa ngiting ngiti diyan? Ano ba iniisip mo?"

"Huh! Maang maangan ko. Wala naman ah."

" Siguro iniisip mo si Stanley no?" Tanong niya ulit at sa hindi malamang dahilan natagpuan ko ang sarili ko na nakangiti. Kakaiba talaga ang epekto ng lalaking yon sa'kin.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Diyos ko!" Sabi niya sabay sapo sa noo niya. "Tatamaan ka na nga lang doon pa sa pinaglihi sa sama ng loob" Dagdag niya pa ...

"Grabe ka naman, malay mo may matindi lang pinagdaan yong tao kaya nagkaganoon siya.." may kung ano akong lungkot na nararamdaman, naaalala ko kase ang sinabi ni Steinley na nagbago si Stanley nang mamatay si Lorrine.

"Dibale na nga, bilang bagong kapatid mo. Hehe! Susuportahan pa din kita". Magiliw na sabi ni Mel na siya namang kinalapad lalo ng ngiti ko.

"Don't worry support din kita sa kambal. Hihi!" Nawala yong excitement niya at napalitan ito ng pagkasimangot. Haays! Ewan ko ba sa babaeng to hindi niya ba alam na marami siyang karibal don para patuloy lang sa pagtago tago ng feelings niya . Haha! Napapailing na lang, halata na kasi siya masyado.

Don't say goodbyeWhere stories live. Discover now