6

19 2 0
                                    

Corrine's POV

   Pagkabalik ko galing cr napansin ko ang mga kaklase ko na nagliligpit na ng gamit. Patakbo akong lumapit sa gawi ni Melissa. "Anong meron?" Nagtataka kong tanong

 " Punta daw tayo sa comp lab, may announcement daw si Stanley." Nagmamadaling sagot ni Mel.

"Ah talaga? May idea kaba kung ano e announce niya?" Tanong ko ulit habang nililigpit ko na din isa isa ang gamit ko.

     "Wala eh.. o siya tara na." Sabay na kaming lumabas. Yayain ko pa sana si Steinley na sabay na kami kaya lang pasimpleng hinigpitan ni Mel ang paghawak sa braso ko eh. Halatang pinipigilan niya ko.

    Pagkalabas namin, saktong kakalabas lang din ni Rizza kaya sabay naming tinawag ni Mel. "Tamang tama, andyan na kayo. Tara sabay sabay na tayo." Tawag niya sa'min. Patakbo naman namin siyang pinuntahan ni Mel.

  "Alam mo ba kung ano e aanounce?" Bungad ko agad sa kanya.

  " Wala din akong idea eh, sana tinanong niyo si Steinley... " Sagot ni Rizza, nagsimula na kaming maglakad.

"Ito kasi".  Turo ko kay Mel. "Naiinis pag andyan si Steinley."

    "Sus! Maka arte lang yan, e halata namang crush niya si Stein." Banat ni Rizza na sinang ayunan ko agad. "Alam mo Mel, gayahin mo tong si Corrine, hindi tinablan ng hiya pagdating kay Stanley." Bahagya namang namula yong mukha ko sa sinabi ni Rizza.

"Oo nga.. We only live once Melissa." Diniinan ko pa talaga. "Kaya kung ako sa'yo tanggalin mo ng hiya hiya mo at baka pagsisihan mo yan bandang huli.." patango tango din si Rizza sa sinabi ko.

     "Tara na nga! Kung ano ano pinagsasabi niyo. Mas magaling pa kayo sa'kin"  Irita niyang sabi saka nagpatiunang maglakas sa'min.

"Kita mo tong si Walk out Queen." Patawa tawang sabi ni Rizza.

   " Makaiwas lang sa topic eno." Napapailing ko ding sabi. Saka nagtuloy na kami sa paglakad.

     Pagkapasok namin sa social hall, napansin ko agad ang kakaunting bilang ng mga naroon. Sa isip isip ko mukhang kami lang mga seniors ang pinatawag.

   Mabilis kaming nakahanap ng pwesto nila Mel at Rizza.

   Hindi nagtagal ay pumasok na din si Stanley kasunod ng ibang members ng student council at ni Steinley. Kinawayan ko siya nang magtama ang paningin namin para lumapit at dito na din maupo sa pwesto namin. Lumapad naman ang ngiti niya saka patakbo lumapit at umupo sa tabi ko.

"Grand entrance ka din ah."  Pabiro kong sabi.

      "Syempre need back up si kuya eh.." deretso niyang sagot habang pasimpleng sumusulyap kay Melissa.

   "Huh! Bakit? Ano nangyari?"  Usisa ko.

  "May inasikaso lang kami at saktong kailangan lang niya talaga ako."  Paliwanag niya at agad ko nalang sinang ayunan. Narinig ko kaseng nag mimic check na ang nasa harap mukhang any minute ay magsisimula na ang meeting..

       Hindi nagtagal ay nasa harap na si Stanley. Seryoso ang kanyang mukha na nakatuon sa'ming lahat. "Good afternoon seniors." Bati niya.

  "Good afternoon." Halos sabay sabay naming sagot.

    "I know all of you will be excited in my announcement today." Mabilis nagliwanag ang mga mukha ng mga estudyante batid kong may mga idea na sila at nakakatawa lang tignan na si Stan ay mukhang hindi excited. "Sabagay, Sino nga ba naman ang hindi maeexcite sa retreat hindi ba?" Dagdag niya pa.

Yoown!

Yesss!

Nakakaexcite nga.

Don't say goodbyeWhere stories live. Discover now