Corrine's POV:
"Maupo ka lang diyan." Sabi ko sa kanya at tumalikod na palapit sa mga staff na nag-aasikaso ng pagkain namin.
" Ate, may natira pa po bang pagkain?" Malumanay kong tanong dito.
" Meron pa iha, teka ipaghahanda kita." Sagot niya.
"Salamat po". Maya maya lang ay inabutan niya ko ng tray na may lamang kanin, ulam at sabaw. Muli akong nagpasalamat at nginitian siya.
"I told you, I ate already." Hindi ko pa man nailapag ang tray yan agad ang bungad sa'kin.
Hindi ako nakinig sa.halip ay isa isa ko pang nilapag ang pagkain sa kanya. "Ako pa ba lolokohin mo, wala kang matatago sa'kin."
"At bakit?" Kunot noo niyang tanong.
Napataas naman ako ng kilay. "Siyempre, narinig ko ang kulo niyang tiyan mo eh, kaya kailangan mo talagang kumain." Sagot ko at napahinga ng malalim.
"Talaga lang ha". Sagot niya na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.
"Kumain ka nalang kase." Pagpipilit ko, wala siyang nagawa kundi ang kumain nalang which is kailangan niya talagang gawin.
Magana siyang kumain habang ako ay nakahalumbaba lang sa harap niya, masaya ako dahil hinayaan lang niya kong titigan siya habang kumakain..
" Did she suffer?" Napaayos ako ng upo sa naging tanong niya. Alam ko kung sino ang ibig niyang sabihin pero pinili ko pa ding magpatay malisya.
"W-who?"
"Your twin" Sagot niya habang nakatitig lang sa kinakain niya .
"Hindi ko alam. Wala ako sa tabi niya nong mga panahong yon ." Sagot ko. "I was also facing my own battle that time.."
"Ahh Yeah." Patango tango niyang pag-sang ayon, hindi niya pa din inaalis ang titig sa pagkain na ngayo'y nilalaro niya na.
"But one thing is for sure Stan.".sabi ko dahilan para maagaw ko ang atensyon siya. "She had a good life at maluwag niyang tinanggap na kailangan niya ng lisanin ang mundo."
Muli siyang napayuko matapos kong sabihin. "I wish, I was there." Saka mahina siyang suminghot.
Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Nakilala ko siyang cold and strict pero heto siya ngayon napanghinaan ng loob nang mapag-usapan ang babaeng unang minahal niya.
Tulala akong naglalakad habang nakakapit sa braso ni Mel. "Malalim yata ang iniisip mo Corrine, may nangyari ba?"
Napakurap ako ng dalawang beses. "Wala, may pilit lang akong inaalala." Palusot ko, ayoko munang magkwento sa mga iniisip ko ngayon, mas mabuting sarilinin ko muna.
Nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy lang kaming naglakad papunta sa hall kung saan gaganapin ang unang talk namin for today.
Walang seating arrangement kaya malaya kaming makakaupo kung saan namin gusto.
Maayos na kaming nakapwestong tatlong girls nang biglang sumulpot ang tatlong boys sa harap namin. Si Harvey, Steinley at ang panghuli ay hindi ko inexpect si Stanley.
" Anong ginagawa niyo dito?" Si Rizza ang naglakas loob na magtanong.
"Tabi tayo." Pagpapacute ni Harvey na agad naman kinainis ni Riz haha!
"Bulag kaba? Kita mo ng katabi ko si Melissa eh". Iritable niya pa ding tugon.
"Tatabi din ako sa'yo Mel. Kung ok lang?" Nawala ang malokong boses ni Stein at napalitan ito ng lambing.