Corrine's POV
"Lorrine!" Tawag niya sa ikalawang pagkakataon. This time hinawakan niya na ako sa braso kaya wala akong choice kundi ang mapatingin sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin. Kitang kita ko ang tuwa at saya sa kanyang mga mata. Lumitaw ang ang dimple niya sa kanang bahagi ng kanyang pisngi.
Ang gwapo naman ng lalaking to. Napakaputi, napakakinis. Dinaig pa ang ang kutis ng babae. Nakangiti amg matambok niyang labi habang titig na titig din siya sa'kin.
"Lorrine it's been a long time." Sabi niya at gaya ng reaksyon ko kay Mang Lito nung isang araw nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
Hindi nagtagal ay nasapo din niya ang kanya noo. "Oh shit! I'm so sorry.. Holyshit! Sorry talaga." Walang tigil siya sa paghingi ng pasensya. "I just missed her." Malungkot niyang sabi , pagkatapos humarap na siya sa'kin at ngumiti. "So you must be Corrine?"
"Yes . And you must be...."
" Steinley. " Sagot niya habang nakalahad ang kamay niya walang pag-alinlangan din akong nakipagkamay sa kamay." You know, we met before I just don't if you still remember. "
Saglit akong natahimik bago tumugon. "I think so ... As I can see kaibigan mo yong kakambal ko, kaya baka nga napakilala ka niya sa'kin."
"Hayaan mo na yon. Basta ngayon magkaibigan na tayo ok?" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Ok thank you"
" Siya nga pala , saan section mo?"
Ito oh. Inabot ko sa kanya yong mga forms ko.
"Orayt! Magkakaklase tayo ". Napa highfive pa siya sa'kin. "Section B din ako eh. "
Bahagya akong napangiti kase kahit papaano aside kay Melissa may karagdagan na akong makakasama. Ngunit mabilis ding nabawi ang ang saya na yon nang may maalala ako . Haaays!
"Ano tara na?" Magiliw na yaya sa'kin ni Steinley. Dahil nakakahawa ang energy niya, muli akong napangiti saka sumunod na sa kanya.
"Napakalate naman ng paglipat mo". Kwento niya na naman, hindi maubos ubusan ng salita tong tao to. Nang dahil sa kadaldalan niya hindi ko namamalayan na medyo malayo malayo na yung nalalakad namin..
"Oo nga eh. Buti nalang at sister's school to ng school namin kaya hindi ako nahirapang lumipat kahit malapit na yong graduation." Paliwanag ko sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad.
"San ka na school galing?" Tanong niya.
"St. Francis of Assisi High school." Proud kong sagot ngunit kabaliktaran ang reaksyon niya. "Bakit?" Tanong ko nang mapansing nakakunot ang noo niya.
"Eh diba? Nagka inlaban silang dalawa? So paano naging sister's school? Dapat lover's school". Sa pagkakataong to ansarap niyang kurutin . Akala ko kung ano na . Haays! Ewaan.
"Gusto mo bang tumawa na ako?" Pang-aasar ko.
"Oo tumawa ka. Parang ganto oh ". At yon pinakita niya sa'kin yong tawang gusto niya. Napangiti na naman ako sa itsura. Haaay ang cute!
"Ang kulit mo talaga ". Yan na hindi ko na napigilan ang sarili ko, nakurot ko na siya sa pisngi bandang dimple niya.
"Aray naman Corrine! Kambal nga kayo ni Lorrine mahilig din yong mangurot eh ". Reklamo niya habang hinihimas ang mukha niya. "Sumbong kita sa kuya ko. Huhuhu." Arte niya pa.
"Kuya?" Taka kong tanong.
"Oo nga pala may kuya ako.Same year din tayo. Kaya lang wala siya ngayon. Out of town, may conference sa mga student council president"