Chapter 1

33 18 0
                                    

╓═══════☆═══════╖
CHAPTER 1
╙═══════☆═══════╜

"Serenity linisin mo to" Tumingin naman ang babae sa tumawag sa kanya at ang leader nila iyon. Na si Ash na isang mataas na taga sunod

"Sige po" Sagot niya at sinimulan na punasan ang bintana, maigi niya iyon pinunasan dahil ayaw ni Ash na may alikabok pang nakikita o nahahawakan

Pinaka dulo ito ng palasyo at minsan lang puntahan pero kailangan parin maging malinis. Bilin ng inang reyna para kahit papaano ay maging maaliwalas

"Ikaw na bahala diyan" Tumango naman si Serenity at inigihan pa ang pupunas, siya na lang naiwan mag-isa dito dahil mamaya pa darating ang mga kasama niya

Tumigil naman si Serenity sa pag-pupunas nang makita si Cai na nasa labas habang nag-sasanay. Napa ngiti siya ng matamis dahil nakita niya ngayon ang pinaka mamahal niya

Tingin ng lahat ay isa lang siyang simpleng babae at mahinhin kumilos dahil din sa kanyang maamong mukha at malambot na balat

Pero hindi nila alam ay may tinatagong ugali si Serenity na hindi nila alam. Obsessed na obsessed siya kay Cai kaya pati ang kwarto niya ay may mga guhit nito

Napansin naman ni Cai na may naka tingin sa kanya kaya napa tingin siya kung saan nandoon si Serenity. Kumaway naman ito kaya ginantihan siya ni Serenity

Malapit din kasi sila sa isa't-isa pero hindi alam ni Cai na mahal siya ni Serenity. Ayaw niya din naman layuan siya nito kaya tinatago niya ang nararamdaman para rito

"Nilalandi nanaman ni kalapati ang prinsipe natin na akala mo ay magugustohan siya nito" Inaalis naman ni Serenity ang tingin sa prinsipe at tumingin sa mga kasama niya

"Napa tingin lang ako" Mahinhing sabi nito at napa yuko, binubully kasi siya ng mga ito dahil sa buhok at balat nitong sobrang puti

Puting kalapati ang pang-asar nila sa kanya dahil akala nila ay pinag-lihi siya sa puting kalapati. Pero hindi, pinag lihi siya ng ina nito sa nyebe pero ang kaputian ng balat nila ay sa ina niya

"Kahit na, malandi ka pa din akala mo ba hindi ka namin nakikita na minsan kasama mo ang mahal na prinsipe!" Malakas na sabi ni Loven

Nag-sipag tango naman ang mga alipores niyang na sila Xue at Aiko. Galit lang naman kasi sila kay Serenity ay dahil naiinggit sila

Lumapit naman si Loven sa kanya at agad na hinigit ang buhok niya. Napa daing naman siya dahil dun, masyado kasing masakit ang hawak niya sa buhok ni Serenity

"Sa susunod tignan mo ang katayuan mo pati ng prinsipe para hindi ka masaktan"

"Arayy!" Malakas na sabi niyang sabi dahil tinulak na siya nito sa bintana habang hawak pa din ang buhok niya

"Ano yan?" Nabitawan naman ni Loven ang buhok ni Serenity nang makita si Cai na palapit sa kanila. Umiyak na din si Serenity kaya sinamaan siya ng tingin nila Loven

"Magandang umaga mahal na prinsipe" Sabay na sabi ng tatlo at yumuko bilang pag-galang sa kanya. Hindi magawa bumati ni Serenity dahil umiiyak lang to

"Bakit niyo sinasaktan si Serenity? Bawal yan sa palasyo di ba!" Napa sigaw naman si Cai kaya medyo natakot ang tatlo

"Patawad mahal na prinsipe tinuroan lang namin si Serenity ng tamang asal" Sagot sa kanya ni Xue na sinang-ayunan naman ng dalawa niyang kaibigan

"Tama po si Xue, mahal na prinsipe masyado na pong ilusyonada si Serenity" Sagot din ni Aiko at pa-simple pang tinarayan si Serenity

"Gusto niyo ipapatay ko kayo sa mahal na hari dahil sa pag-sagot niyo sa akin at pag bully sa kapwa niyong bampira"

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon