Chapter 18

16 12 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 18
╚════════════. .✯ .  ╝

"Ano gusto mong kainin? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong sakin ni Cai habang paikot ikot sa kwarto na hindi mapakali

Sumama naman ang tingin ko sa kanya dahil sa ginagawa niya. Ilang na siyang ganyan simula nung malaman niya na buntis ako

Alam na din naman ng lahat maliban sa ibang bampira na nasa labas ng palasyo. Pamilya palang namin ang nakaka alam

Ilang araw na din akong naiinis sa kanya, mahal na mahal ko siya pero hindi ko talaga maiwasang magalit. Sabi naman nila ay dahil sa pag bubuntis ko to

"Pwede ba wag kang magulo nahihilo ako sayo" Mataray kong sabi sa kanya kaya tumigil siya. Ang kawawa kong Cai ay naka simangot

"Patawad, hindi lang ako mapa kali" Lumapit naman siya sakin at umupo sa harap ko habang hinahalikan ang kamay ko

"Gusto ko lang kayo pag silbihan ng anak natin" Hinawakan ko naman siya sa mukha habang naka ngiti. Ang saya ko sa naririnig ko mula sa kanya

Ganito ang trato ko sa kanya, galit ako minsan at minsan mabait. Pa iba-iba ang timpla ko at hindi ko iyon gusto dahil nahihirapan siya sakin

"Pakasal na kaya tayo bago lumabas si baby para naman ganap talaga tayo na pamilya?" Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko manlang yan naisip

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang naka tingin sa mata niyang desidido. Seryoso talaga siya sa sinabi niya na magpa kasal kami

Ramdam ko naman ang pag tulo ng luha ko dahil sa saya na nararamdaman. Kung dati ay pangarap ko lang ito, ngayon ay abo't kona

Naalarma naman siya sa pag iyak ko kaya agad niya iyon pinunasan gamit ang kamay niya. Hindi ako maka paniwala sa nangyayari masyadong mabilis

"Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba? Hindi kapa handa? Sige hindi kona ipipilit" Umiling iling naman ako sa sinabi niya. Mali siya ng iniisip, gustong gusto ko siya pakasalan

Sadyang sobrang saya ko lang kaya umiiyak ako. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, na ipapa kasal kana sa pinaka mamahal mo

"Wag ka nang umiyak nag mamakaawa ako, Seren ko-" Hindi ko naman siya pina tapos sa sasabihin at agad na hinalikan siya. Ramdam ko din ang pagka gulat niya

Tumugon naman siya sa halik ko at lumayo ng kaunti. Nawala na rin ang luha na lumalabas mula sa mata ko

"Magpapa kasal ako sayo Cai, mahal na mahal kita" Sagot ko sa kanya habang inaayos ang buhok na humaharang sa mukha niya

"Talaga? Papakasalan moko?" Lumawak naman ang ngiti niya sa kanyang labi. Ang ganda pag masdan ng ngiti niya na ganyan na ako lang ang nakaka gawa

Sana kahit na nasa malayong lugar ako o kahit saan pa ay maaalala ko ngiti niya na ganyan. Ang ngiti niya lang ang pinaka paborito ko sa lahat

Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinalikan ang dali ko kung saan naka lagay ang binigay niyang singsing na amethyst

"Eto na muna engagement ring natin, sa susunod papagawa ako ng marami para sayo" Tumango naman ako sa kanya. Payag ako kahit na ano pang singsing ang ibigay niya, lahat tatanggapin ko

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon