Chapter 22

15 8 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 22
╚════════════. .✯ .  ╝

Kumatok naman ako sa pinto nila Gehan at ang mama niya ang nag bukas nun. Matamis na ngiti agad ang binungad niya sa akin

"Siren, tulog pa si Gehan" Pina pasok naman niya ako sa munti nilang tirahan. Nakita ko din ang papa ni Gehan na may binabasa, tipid naman ako nito nginitian

"Maaga kami aalis, gigisingin ko na ate Diamond" Sabi ko at nilapag ko ang dala-dala kong bag sa kanilang lamesa na nasa sala

Matagal na rin naman kami magka kilala kaya malapit na rin ako sa pamilya ni Gehan at ganon din naman siya sa amin

Mabuti nanga lang at mababait ang magulang niya. At mukhang namana niya ang kakulitan niya sa kanyang ina, siya lang ang nag iisang anak eh

"Sige Siren, akyat kana lang" Tumango naman ako at umakyat na sa pangalawa nilang palapag. Alam kong hindi nag kakandado si Gehan kaya dumiretso nako sa pag pasok

"Hoy Gehan!" Gising ko sa kanya, aba naka hilata pa rin siya at may tunog pa. Hindi naman siya nagising kahit niyuyugyog kana kaya diko na mapigilan na sipain siya

Agad naman siya nagising dahil dun at masama agad ang tingin niya sakin na sinuklian ko ng taas kilay. Aba ako pa ang susungitan

"Ang aga-aga Siren, nambubulabog ka" Humikab naman ito at kumamot sa kanyang panga. Napaka ano talaga ng lalaki nato

"Hoy baka nakakalimutan mo at aalis pa tayo. Hindi kapa nag handa" Singhal ko sa kanya. Ako todo ayos sa sarili ko para mag mukhang presintable tapos siya tulog

"Inayos ko na ang gamit ko" Tinuro naman niya ang bag niya sa gilid. Napa ngiwi naman ako dahil sa laki nun, mukhang doon na ang titira ang mukong sa dami ng dala

"Saglit lang tayo dun, bakit ang dala mo pang ilang taon"

"Basta ingay mo, maliligo nako" Papasok naman na sana siya sa cr nila nang pigilan ko siya. Takhang takha naman siya

"Wag kana maligo mag bihis kana lang. Papahintayim mopa ako, gusto mo atang masapok eh" Pina kita ko naman sa kanya ang kamao ko

"Kasi naman e, doon kana nga" Sabi niya at nag dabog pa. Binantaan ko naman siya gamit ang mata ko bago lumabas sa kanyang silid

Bumaba naman ako sa sala at umupo nalang habang nag hihintay kay Gehan. Bilisan niya kung 'di ay magkaka pasa siya bago maka punta sa sentro

"Kumain kana ba Siren?" Tanong sakin ni ate Diamond habang nag wawalis sa bandang kusina nila

"Opo, ate Diamond" Sagot ko rito kahit hindi pa naman talaga ako kumakain. Masyado kasi akong nagalak papuntang sentro kaya nag madali ako

Pero sinira lang iyon ni Gehan na hindi papala nag aayos. Kaya eto ako at nag hihintay na matapos siya, siguradong hapon na kami makaka rating doon

Medyo malayo ang sentro dito sa lugar mamin dahil tabing dagat kami. At masyado pang magastos ang pamasahe kaya sobrang halaga talaga na maka punta kaming mahihirap doon

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon