Chapter 3

20 15 0
                                    

╓═══════☆═══════╖
CHAPTER 3
╙═══════☆═══════╜

Ilang araw nang nandito si Serenity sa kanila dahil hindi siya naka uwi sa palasyo. May inaakasikaso pa kasi siya

Kahit na ayaw niya dito at miss na niya si Cai ay hindi pa siya maaaring bumalik sa palasyo. Hindi niya alam kung bakit pero ayun ang sinabi ng kanyang ama

Sinubukan niya na ding tumanggi at tumakas pero hindi niya magawa dahil sa mga bantay.

Pero kahit na ganon ang nangyari ay naging maayos naman medyo ang pag tira niya dito dahil sa pamangkin

"Look tita flowers po for you" Naka ngiti namang inabot ni Serenity ang bulaklak na bigay sa kanya ni Giannis

"Salamat sobrang sweet mo" Hinalikan naman niya sa pisngi si Giannis at humigikhik ito dahil nakikiliti siya

"Bakit hindi ang mommy ang bigyan mo" Napa simangot naman ang bata sa narinig na parang iiyak na. Lagi nalang siya pinapagalitan ng kanyang ina

"Araw-araw ko naman binibigay si mommy pero lagi niya ako pinapagalitan at tinatapon"

Tumulo naman ang luha nito at agad na pinunasan iyon ni Serenity at inalo. Sobrang nalulungkot siya para sa pamangkin

Naiinis na din siya sa kanyang ate na napaka maka sarili. Hindi iniisip ang anak at galit ang laging inuuna

"Wag ka mag alala nandito si tita poprotektahan ka. Nandito din si tito Gian pag wala ako basta wag ka magalit sa mommy mo"

Tumango naman ang bata at hinalikan iyon ni Serenity sa noo. Nag papasalamat nalang siya dahil nandiyan ang kuya niya para protektahan din si Gian

"Giannis!" Nagulantang naman sila nang marinig ang tawag ni Satchi na galit na galit at hinahanap ang anak

Mula sa dating maamong mukha ay ngayon ay sobra itong galit. Hindi nila maisip na dahil sa pang rarape sa kanya kaya ganyan siya

"Serenity akin na ang anak ko" Malutong niyang sabi at pilit na inaagaw ang anak mula kay Serenity na pilit nilalayo

"Pwede ba Satchi itigil mo na ang pananakit kay Giannis. Hindi kaba naaawa sa anak mo? wala siyang ginawang masama!"

Hindi na siya makapag pigil sa galit at sinagawan na ang ate. Sobra na siyang naaawa sa pamangkin kaya kahit kapatid niya ito ay kaya niya itong saktan

"Wala kang karapatan para sumbatan ako. Ang tatay nga niya hindi magawang maawa sakin nung araw na ginahasa ako"

Umiyak naman ang bata sa naririnig na masasakit na salita ng ina. Naiiyak din siya dahil nag aaway sila dahil sa kanya

Nang malapit nang mag sugudan ang dalawang kapatid nang dumating ang kanilang ina at ang kapatid pa nila na si Gian

"Anong nangyari bakit nag tatalo kayo? Bakit umiiyak si Giannis? Sinaktan mo nanaman ba Satchi?"

Agad naman niya pinigilan ang kanyang mga anak kaya agad na silang kumalma. Napa hawak nalang si Mavis (kanilang ina) sa sakit ng ulo

Habang si Gian naman ay buhat buhat si Giannis at sinusubukang pinapatahan. Lumayo na rin sila para hindi marinig ang pag aaway

"Mom pag sabihan mo naman yang anak mo lagi nalang kawawa ang anak niya"

"Kapal naman ng mukha mo akala mo kung sino ka"

"Please tama na" Pakiusap ni Mavis at hinawakan silang pareho. Kahit siya ay hindi na alam ang gagawin

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon