Chapter 7

18 14 0
                                    

╓═══════☆═══════╖
CHAPTER 7
╙═══════☆═══════╜

"Yvonne! gumising ka"

Napa mulat naman ako ng mata dahil sa pamilya na boses. Si Jendukie lang pala na halata sa mukha ang pag-aalala

"Bakit Jendukie?" Umupo naman ako at kinusot ang aking mga mata. Ang aga-aga pa pero ginising agad ako

"May balita ako sayo" Kumunot naman ang noo ko sa narinig. "Ano naman iyon at kailangan mopa ako gisingin"

"May natagpuang bangkay sa labas ng palasyo kanina lamang" Pinigilan ko naman mapa ngiti doon

"Kanino daw?" Tanong ko na akala mo ay hindi ko kagagawan. Kasalanan naman niya, kung binigay niya sakin si Cai edi sana buhay pa siya

"Si Lady Sinclair ang iniibig ni Prinsipe Cai" Humawak naman ako sa bibig ko para mag panggap na nagulat

"Huh? May naka saksi ba?" Sigurado akong walang ibang bampira nung pinatay ko siya kaya hindi ako masyadong nag aalala

"Meron daw at kinikilatis na siya ngayon upang matukoy kung sino ang pumatay kay Lady Sinclair"

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Hindi maaari ito kailangan ko iligtas ang aking sarili

"Mag hahanda nako Jendukie pwede kana umalis" Tumango naman agad siya dahil ngayon ang oras ng trabaho niya. Sadyang nag balita lang siya sakin

Naligo naman ako at agad na nag bihis, kailangan ko pumunta sa lugar kung saan tatanongin ang naka saksi

Agad naman ako lumabas sa silid namin at pumunta sa throne room dahil sigurado akong doon gaganapin iyon. Dahil malapit lang naman sa palasyo ang krimen

Hindi ko suot ang uniporme namin dahil siguradong hindi ako papapasukin doon. Nag taklob din ako sa ulo para kahit papaano ay hindi ako makikilala

Hawak ko din ang pocket watch ko na silver at may disenyo na pana. Ito ang palatandaan na ako si Ismene at alam iyon ng lahat. Dahil ang mga may ranggo lang ang may ganito dahil ito ang regalo ng amang hari sa amin

May mga naka bantay naman na mga kawal sa bulwagan ng throne room at nag si ayos sila ng tayo ng makita na paparating ako

Hinarangan naman ako nang maka lapit ako kaya pinakita ko agad sa kanya ang pocket watch ko

Pagka kita naman nila nun ay agad nila ako binigyan ng daan. Hindi ko naman siya pinansin at nag lakad na papasok

Bumungad naman sakin si king Xaeious na naka upo sa trono niya habang nasa gitna ay isang lalaki na malalaman mo agad na isang trabahador. Napa ngisi naman ako

Nakita ko din ang mga kamag anak ni Sinclair na nag iiyakan sa gilid. Kasama naman nila ang inang reyna na gumagabay sa nanay ni Sinclair

Wala akong maramdaman na guilty sa ginawa ko dahil desisyon ko iyon. At alam ko din na ganito ang mangyayari kaya wala na akong pakeilam

Ngayon lang naman sila iiyak at mangungulila at ang mga sunod na araw ay makakalimutan din nila agad ang pag-kamatay ni Sinclair

Napansin ko din na wala si Cai sa loob na ipinag taka ko. Lumapit naman ako sa kasamahan ko na mga Lyra. Lyra ang tawag samin na merong mga ranggo

"Kamusta Syringe, Astraea" Tumingin naman sila sakin at medyo nagulat nang makita ako. Tumabi naman ako sa kanila

"Ilang taon na maka lipas ng huli namin kayo makita ni Princess Elise, Serenity" Agad naman sabi ni Syringe

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon