Chapter 30

17 7 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 30

╚════════════. .✯ .  ╝

Dahil sa pag babalik ko sa mansyon namin ay agad na nag pa diwang si dad para sa celebrasyon ng aking pag babalik. Lahat ng kaibigan ko ay imbitado

"Serenity lalo kang gumanda masaya ako at naka balik kana" Niyakap naman ako ni Jendukie na mangiyak ngiyak na nang makita ako

"Kamusta kana Jendukie maraming taon rin na wala akong balita sayo" Pinag masdan ko siya at masasabi kong marami siyang pinag bago

Lung dati ay simpleng damit lang ang sinusuot niya, ngayon ay napaka garbo na rin. Ang alam ko ay naka pangasawa siya ng isang dugong bughaw kaya gumanda ang buhay niya

"Ito at nagpapaka buting asawa" Natawa naman kami sa sinabi niya. Marami pa kaming pinag kwentohan tungkol sa aming buhay sa loob ng limang taon

Marami rin akong kinamustang mga dating kaibigan katulad ng kasamahan ko sa Lyra. Ang aking pinag tataka ko lang ay hindi manlang sila nagulat na makita akong buhay

Hindi ko na iyon pinag tounan ng pansin dahil ang mahalaga ay naka balik nako at masaya nako ngayon. Na-miss ko lang kasi talaga ang buhay ko dati.

Hinanap ko naman sila mommy nang may nakalimutan akong sabihin sa kanila. Nakita ko naman sila sa isang lamesa kaya agad ako lumapit

"Cooper?" Ngayon ko lang napansin na kasama nila si Cooper sa isang lamesa. Agad naman ito nag tago sa likuran ni mommy nang makita ako

Umiwas din ito ng tingin sakin kaya napa lunok ako. Nasasaktan ako sa pag iwas niya sakin, posible bang anak ko talaga siya?

"Cooper harapin mo siya" Munting paki usap ni mommy at hinawakan sa pisnge si Cooper. Ngunit umiling lamang ito at tumingin sakin bago tumakbo

"Cooper!" Pag tawag ni mommy sa pangalan niya pero hindi na ito lumingon at tumuloy lang sa pag takbo

"Sundan mo siya, Serenity" Tumango naman ako at dali-dali siyang sinundan nahihirapan pa ako sa pag sunod dahil marami pang sumasayaw

Kita ko naman ang pag labas ni Cooper papuntang harden kaya dumiretso ako dun. Gusto ko siya maka usap para malinawan ako, gusto ko din siyang mayakap kahit na ilang sandali lang

Nagulat naman ako nang may humila sa kamay ko at si Cai agad ang bumungad sakin. May hawak pa itong wine sa kabila niyang kamay

"Cai..." Para akong matutunaw sa kinatatayuan ko dahil sa pag titig niya sakin. Kaya umiwas nalang ako ng tingin dahil sa pagka ilang

"San ka pupunta?" Mahinahon niyang tanong at ininom ng diretso ang hawak niyang wine

"Gusto ko lang sundan si Cooper" Tumawa naman siya ng mahina na halata mo doon ang pang aasar. Sigurado ay galit din siya sakin dahil sa pag taboy ko sa anak niya

"Para saan pa? Kinalimutan kana ni Cooper dahil sa pag tataboy na ginawa mo sa kanya, —sa amin" Halata ang pait sa tono niya kaya hindi ako makapag salita

"Sorry"

"Ayos lang at naiintindihan kita. Nawala kasi ang ala-ala mo diba" Hindi naman ako maka salita at yumuko nalang. Sobra akong nakakaramdam ng guilty

🎉 Tapos mo nang basahin ang 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) 🎉
𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon