Chapter 11

18 12 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 11
╚════════════. .✯ .  ╝

Nag lalakad naman ako sa mahabang pasilyo papunta sa mga silid namin nang maka salubong ko si Jendukie

"Ayos ka lang ba?" Agad naman ako tumango sa kanya kahit na hindi. Nahihirapan pa din kasi ako sa pag lalakad kaya sa pader ako kumuha ng gabay

"Oo sadyang napagod lang sa pag alis namin" Tumango naman siya at mukhang sumang ayon sa palusot ko

"Kung nagugutom ka may pagkain dun sa higaan ko. Binigyan kasi ako ng prinsesa ng bake niya" Kumindat naman siya sakin kaya napa nguso ako

"Sige salamat" Tumango naman siya at nag paalam nang babalik sa trabaho. Habang ako naman ay nagpa tuloy sa paglalakad

Pag pasok ko naman ay isa lang ang naabutan kong kasama namin sa silid hindi din naman to masyadong malaki. Bali apat kami dito double deck at sa taas ko ay si Jendukie

Tumingin naman ako sa higaan niya at dun ko nakita ang isang apple pie. Naka balot pa din yun at wala manlang bawas, agad ko naman yun kinuha

Wala naman akong pag aanlinlangan na buksan yun at kumain. Tumigil naman ang kasamahan namin at napa tingin sakin. Ang alam ko Syeia pangalan niya

"Gusto mo?" Umiling naman siya at bumalik sa pagbabasa. Ang alam ko ay bago siya dito at last month lang siya nandito

Tinignan ko naman ang title na binabasa niya. 'The Werewolf Journey' ? So weird ngayon lang ako naka kita ng bampira na curious sa mga lobo

"Pag sinabi ko bang lobo ako maniniwala ka?" Nag taas naman ako ng kilay sa sinasabi niya. Parang may kakaiba sa babaeng to at mukhang alam ko na yun

"Kung bibigyan moko ng ebedensiya" Naka ngisi kong sabi, ngumiti naman siya at pinakita ang pangil niya. Bampira naman pala kung ano ano pa sinasabi

"I checked your background, you have a two siblings. Your sister and brother-"

"Too much curiosity will kill you, a fucking stalker" Madiin kong sabi sa kanya, hindi manlang nakain ng maayos ang apple pie dahil sa babaeng to

"Kamusta na ate mo?" Sumama naman ang tingin ko sa kanya. Ano bang pakeilam nito? Ano naman ang kinalaman niya sa pamilya namin eh hindi naman siya pamilyar sakin

"Ano ang kailangan mo?" Binaba naman niya ang libro niya at tumingin sakin ng diretso. Hindi naman ako nagpa talo at nilabanan ang tingin niya

"Kapit bahay ko ang lobong gumahasa sa ate mo" Nanlake naman ang mata ko dahil sa sinabi niya

"Siya na ang nag aalaga sa pamangkin mo. Kawawa yung bata lagi palang sinasaktan ng ate mo. Alam moba na sobrang galit ni Friv ay halos patayin niya ang ate mo"

Hindi naman ako nakapag salita sa sinabi niya. Wala manlang nag sasabi niyan sakin o hindi manlang binabalita

Kung ganon ay natuloy ang sinasabi nila Mom at Dad. Totoo nga sinabi nilang ibibigay ang pamangkin ko sa ama nitong lobo

"Kamusta na si Giannis sa tatay niya? Sinasaktan ba siya?" Kahit na maraming nag sabi na mabait naman daw ang lobo. Ay hindi pa din ako nakakampante

"Maayos naman na siya dun. Ayaw nanga niyang bumalik sa nanay niyang bayolente" Natahimik naman ako dahil dun

Hindi ko ipag tatanggol ang ate ko dito dahil tama naman siya. Masyadong bayolente si ate parang hindi mo aakalaing isang mahinhin na bampira dati

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon