Chapter 24

18 8 0
                                    

╓═══════☆═══════╖
CHAPTER 24
╙═══════☆═══════╜

'Te echo de menos'

Ayan ang naka lagay sa isang papel na nakita ko sa bintana namin. May naka dagan ditong maliit na bato para hindi liparin ng hangin, ngunit sino naman ang nag lagay nito dito?

Pagka gising ko palang ay, eto agad ang nakita ko. Ako ang naunang naka kita dahil mahimbing natutulog pa rin si Gehan sa kanyang higaan na katabi lang ng akin

Baka napag tripan lang kami kaya may nag lagay nito dito. Pero paano naman naka pasok iyon sa silid namin? Wala naman akong naramdaman na kakaiba habang tulog ako

"Ang lalim naman ng iniisip mo, ang aga-aga" Tumingin naman ako kay Gehan na gising na pala. Naka kulong pa ang kawawang unan sa kanyang binti, kinukusot niya din ang kanyang mata

Pina kita ko naman sa kanya ang papel kaya kita ko ang pagka taka niya "Naka lagay ito sa bintana pagka gising ko, mukhang may pumasok sa silid natin"

Papungas pungas naman siyang tumayo at umupo sa higaan ko at hinablot ang papel "Te echo de menos? Ano yun?" Inikot ko naman ang mata ko sa sinabi niya

"Hindi ko alam kaya nga pinapakita ko sayo baka alam mo e" Tumawa naman siya ng mahina kaya inismiran ko nalang siya. Kahit kailan at napaka bagal ng utak niya

"English nga hindi ako marunong. Eto pa kaya!" Tumayo naman siya at nag unat-unat. Kahit kailan at hindi talaga maaasahan si Gehan sa ganitong bagay

"Mas magandang pumunta ka sa aklatan at mag hanap ng libro para sa mga lengguwahe. Halatang naka sulat iyan sa ibang lengguwahe" Kinuha ko naman ang unan at tinapon iyon sa kanya

"Akala ko wala kang utak meron pa pala" Natatawa kong sabi sa kanya at lumapit sa kanya para akbayan. Naka simangot naman siya, hindi ko alam kung para saan iyon. Dahil ba sa sinasabi ko o sa ginawa ko

"Sabi ko naman sayo Siren, ako ang nangunguna sa aralin namin dati. Kaya malakas talaga ang utak ko hindi ko lang pinapakita ko sayo, simple lang kasi ako alam mo naman"

Halata naman sa boses niya ang pagka yabang ng tono niya at nag kibit balikat siya. Tinignan ko naman siya ng walang reaksyon at siniko siya kaya napa atras siya

"Binibiro lang kita, masyado mo namang sineryoso" Kinuha ko naman ang tuwalya na naka sampay at nilampasan siya para pumunta sa paliguan

"Nanalo ka lang sa chess ganyan kana ah" Natawa naman ako at hindi na pinansin. Balak ko kasing pumunta sa aklatan para mag hanap ng libro para malaman ko kung ano ang ibig sabihin nung sulat

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa alamin. Pero may nag tutulak sakin na gawin iyon dahil ramdam ko na mahalaga ang naka sulat dun, baka lang naman

Baka ay mensahe ito kay boss o kaya kay Mr. Berueda o kaya sa kakumpetensya ni boss na gusto kaming pabag sakin. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw kaya aalamin ko nalang muna ito para matahimik ako.

Nag tanong tanong naman ako kung saan ang aklatan at nahirapan pako dahil naligaw ligaw na ako. Masyadong malawak ang lugar na ito at hindi pa ako sanay sa ganito

Malayo ang aklatan at malapit na iyon sa kagubatan. Kaunti nalang din naman ang gusali dito kaya mukhang nasa dulo na rin ako, bakit ba kasi dito naka pwesto?

Imposible namang dito lang ang may aklatan dahil sa laki ng lugar. Siguro ay sadyang kilala lang ito kaya ito ang tinuro sakin. Wag nanga ako mag reklamo at dayo lang naman ako dito

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon