Chapter 26

18 8 0
                                    

╓═══════☆═══════╖
CHAPTER 26
╙═══════☆═══════╜

"Tatantado ka! San ka galing kagabi? Hinanap kita" Sigaw ko kay Gehan nang makita ko itong pumasok sa silid naming dalawa

Gulo-gulo ang buhok niya at kumakamot pa sa mata, mukhang kakagising lang at nag mamadaling umuwi. Dumiretso naman siya sa kama niya at humiga

"Nalasing ako kagabi, ngayon lang ako nagising" Rinig ko naman ang pag hilik niya nang matapos niya iyong sabihin. Tinignan ko naman siya na hindi maka paniwala

Tulog agad, kakarating niya lang. Ganon ba talaga siya kalasing kagabi? Nag alala pako ng 0.1% kagabi, nag sasaya lang pala ang mukong

Mamaya 'to sakin pag gising, iniwan pako ayun tuloy sumama nalang ako kila Cai at sa anak niya. Pero masaya naman sila kasama kaya ayos na din

Siguro kung pag pipilian ako na maka sama sa susunod na fiesta ay baka sila pa rin ang gugustohin ko. Pakiramdam ko kumpleto ang buhay ko pag kasama ko sila

Nagiging espesyal na rin sila sakin at natatakot ako na mangyari iyon. May nag mamay-ari na sa kanilang dalawa at ang nanay ni Cooper iyon at asama ni Cai

Ayuko namang maging babae ni Cai dahil siguradong madudungisan ang kanilang pangalan. At siguradong makukulong ako lalo na't hindi ko manlang ginagalang si Cai bilang prinsipe

Ang hirap maging dukha, hindi mo sila kayang abutin. Mukhang kailangan ko na muna lumayo sa kanila na nag bigay ng kirot sa puso ko

Tuwing naaalala ko kung namin panoorin ang fireworks kagabi ay naka ramdam ako ng pamilyar na pakiramdam. Lalo na't nahuli ko ang tingin sakin ni Cai

Masaya rin ba silang maka sama ako kagabi o napipilitan lang dahil mag isa lang ako. At bakit hindi nila kasama ang ina ni Cooper

Ang daming tanong sa isip ko at gusto ko pang malaman ang buhay nila at pamilya. Siguro ay dahil sa kuryosidad ko na alam kong ikaka sakit ko

Lumapit naman ako sa balkonahe at tumingin sa mga dumadaan. Kahit maaga ay marami ng bampira na bumibili ng mamahaling gamit

Bukas din ay mag kikita nanaman kami ni Mr. Berueda at alam kong pang huli na iyon. Kaya siguradong aalis na agad kami dito na ayaw ng puso ko.

Naka ramdam naman ako ng gutom kaya agad ako bumaba para maka bili ng pagkain namin ni Gehan. Pumasok ako sa restaurant na lagi naming kinakainan at marami-rami ang kustomer

Natapos naman ako sa pag oorder at naupo sa bakanteng upuan. Nasa kalagitnaan ako ng pag hihintay ng pagkain namin nang may narinig akong pamilyar na boses

Tinignan ko kung sino iyon, si Cai na may kasamang magandang babae. Halata din ang karang-yaan sa buhay dahil sa magarbo nitong suot

Hindi ko naman maiwasang tignan ang damit ko na parang basahan lang nila. Kahit kailan hindi bumaba ang tingin ko sa sarili ko pero dahil sa nakita ko, ay biglang bumaba ang tingin ko sa sarili

Siya ba ang asawa niya? Kung ganon ay bagay silang dalawa. Masaya ako para kay Cai, normal lang na maging masaya dahil mag kaibigan naman kami.

Umupo naman sila sa katabi ko lang umupuan kaya napa pikit ako ng mariin. Kung sinu-swerte kanga naman ay dito pa sila umupo

Mukhang titingin naman si Cai sa pwesto ko kaya agad ako umiwas ng tingin. Baka mapansin niya na kanina kopa silang tinitignan at baka kung ano pa ang isipin

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟯) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon