Prologue

3 0 0
                                    

Bakasyon

"Lily! Bumangon ka na!" Bumalikwas ako mula sa aking kama dahil sa sigaw ng aking ina. Iritado man tumayo na ako at diretsong binuksan ang kurtina ng aking kwarto upang maarawan at mahimasmasan man lang.

Ngunit imbis na araw ang mag pagising sa akin ay ang kalampag ni mama ang gumising sa sistema ko

"Ano? Tutunganga ka na lang diyan?"

Masamang tingin ang binigay sa akin ni mama at inutusan akong maligo na at mag bihis. Mabilis akong na ligo at nag bihis habang iniisip na baka na gising pa ni mama ang ibang kapitbahay dahil sa ingay niya.

Agad akong dumiretso sa kusina pagtapos kong bunutin ang lahat ng naka saksak sa aking kwarto, dala dala ko na din ang isang sling bag na itim.

Ang mga gamit ko ay kasama na sa dalawang malalaking maleta na naka patong na sa aming sofa, ngayong araw ang alis namin. Mag babakasyon kami sa probinsya ng aking mama, muntik ko pang makalimutan na aalis kami ngayon.

Uminom lang ako ng tubing dahil nag mamadali na si mama umalis, pinapanood ko siyang mag pabalik balik sa buong bahay. Ako ang napapagod sa kanya, sobrang aga kasi ng flight namin 6am.

Tinawag na ako ni papa sa labas at pinasakay sa taxi na tinawag niya, tahimik akong naupo don at hinintay na makasakay si mama at papa.

Tumabi si papa sa akin at sa gilid niya ay si mama "Kumain ka sa bahay?" tanong ni papa. Umiling ako at tumingin sa binta ng taxi, tiningnan ko ang mga nadadaanan naming matataas na building.

Gustong gusto ko talaga ang mamuhay dito sa manila, malapit sa lahat. Ang huling uwi namin sa probinsya ay mula noong dalawang taon pa lamang ako, kaya ganon din kaexcited ang mama na umuwi. Naging busy kasi sila sa trabaho nila pareho, kahit na sapat naman ang sweldo ni papa para tustosan kaming tatlo pinili pa rin ni mama ang mag trabaho.

Si mama kasi ang nagpaaral sa kanyang tatlong nakababatang kapatid, kung tutuosin ay wala na sana siyang problema pa. Pero ayaw niyang mahirapan pa si Lolo at Lola pati na rin ang iba niyang kapatid kaya pinili niyang mag trabaho upang makatulong.

Nang natapos na kaming mag check in ay umupo na kami malapit sa aming boarding gate. Sa gilid ulit ako at si papa ang gitna, agad akong sumandal sa balikat niya dahil inaantok pa.

"Gutom ka?" tanong ni papa. Umiling ako dahil wala pa akong ganang kumain, ganito talaga ako tuwing umaga. Tumango siya sa sinabi koqpp at inayos ang pwesto ng sandal ko.

Hindi naman kami ganon katagal nag hintay dahil medyo late na din kami nag check in. May araw na nang nakalapag ang eroplano sa Ilo Ilo.

Nag van kami mula airport papuntang Sm City at bumili saglit ng take out mula sa isang sikat na fast food. Pumara si papa ng taxi papuntang port, sasakay pa kami ng ferry papuntang Guimaras.

Habang nasa ferry ay kinain ko na ang take out na binili ni papa, hindi sila bumili ng kanila dahil may balak ata silang kainan doon sa Guimaras.

Kahit inaantok pa ay hindi ganon kalala ang topak ko, dahil siguro sa hindi rin naman ako panay pinagsasabihan ni mama. Kung sa bahay kasi ay siguradong sermon ang abot ko, lalo na kung may pasok.

Ayaw niya ng mabagal kumilos samantalang ako kung kulang ang tulog ko at pagod wala talaga ako sa mood, mag susuplada at iirap ako sa lahat ng bagay.

Si papa ang lagi kong kakampi sa bahay, pinupuna kasi ni mama lahat ng galaw ko. Kung aalis ba ako sinong kasama, ang pag hawak ko sa cellphone ko, ang pag suot ko ng damit, ang mga binabasa ko, mga kinakain ko, at kung ano ano pa.

Alam ko namang worried siya dahil mag isa lang akong anak pero minsan kasi kulang siya sa tiwala sa akin. At ako gusto ko lang makuha yon, ang tiwala niya. Kaya kahit anong puna ni mama sa akin hinahayaan ko na lang at sinusunod siya kahit minsan hindi ko talaga gusto.

Under The Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon