Sunset
It was five in the afternoon when my last class ended, the sun is setting down. The sky is dominated by the color orange, and the wind blowing my hair.
Niligpit ko ang libro at ballpen ko at ni lagay sa aking bag, mga 30 minutes na siguro akong nakatambay sa rooftop ng building namin.
Sinukbit ko ang backpack ko sa aking likod at sandali pang tumingin sa langit habang nakasandal ang dalawang kamay sa ding ding ng rooftop
I suddenly want to cry, maybe because of the wind? It's comforting? Or maybe the sky is too beautiful at this hour?
Hindi ko na napigilan at tumulo na ang aking mga luha, ang tanging nararamdaman ko ay lungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit. Pagod ba ako sa pagaaral? Wala naman akong problema sa mga kaibigan ko
Ganoon din sa aking mga magulang, I told my self that it's ok to cry sometimes. Mula noong birthday ko palagi akong na lulungkot tuwing dapit hapon, tuwing ganito kaganda ang langit.
I decided to go down dahil baka isarado na ang gate ng building, at mag didilim na rin. Naunang umuwi si Jasmine at Ejay, si Rex naman ay mag training sa chess, hihintayin ko na lang siya sa waiting area malapit sa gate ng school.
While waiting I decided to open my Facebook account, I scroll down slowly looking at every post that I see on my feed.
Kristina Iscaber is with Cloud Sy and 10 others
"Come and take a ride" caption ni ate Kristina. Nakasakay sila sa mga kabayo, tiningnan ko isa isa ang mga pictures at ganon na lang ang gulat ko dahil kasama nila iyong lalaking masungit.
Imbis na ilike ay nag scroll na lang ako ulit, inuubos ang oras habang hinihintay si Rex. Maya maya naman ay dumating na siya, tumayo ako at sinalubong siya
"Kanina ka pa?"
Umiling ako "Hindi naman sakto lang, tara na
nagugutom na ako"Tumango siya at inakbayan ako. Kakain daw kami sa mcdo, libre niya basta hindi ako mag sasabi sa dalawa.
"Sasama loob nila sabihin na lang natin!"
Pag pupumilit ko dahil baka mag tampo si Ejay at Jas
"Hindi 'yan! Nilibre ko na silang dalawa ng mcdo, noong umuwi kang probinsya?"
Tumango na lang ako at dumiretso kami sa mcdo, umorder ako ng meal. Isang fried chicken with rice and fries, nag text na lang din ako kay mama na kasama ko si Rex at hindi na mag didiner sa bahay. Nag message na rin ako sa group chat namin
: Nanlibre si Rex ng mcdo
jasmayn: WHAT IS DIS BEHAVIOR @rexcu
ejayr: ano to ha tinatrydor mo na kami bb boy
: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA #worthithintayin
ejayr: hintay lang pala sana ako na lang
jasmayn: hintayin pa kita pang habambuhay
:HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
nangingiti ako dahil sa banat ni jas nang umupo na si Rex sa harap ko hawak ang food namin. Tinaasan niya ako ng kilay bago inayos ang mga pagkain sa lamesa, kinuha niya ang cellphone niya nang matapos siya sa pagaayos.
"Li!"
Reklamo ni Rex sa akin, bumusangot ang kanyang mukha habang masama ang tingin sa akin. Tinawan ko lang siya
"Tara na kain na"
Kumain kaming dalawa habang pinaguusapan ang mga kailangang gawin sa school. May competition siya sa chess at may project naman ako. Nang matapos na kaming kumain hinatid niya ako sa bahay kahit na sinabi kong kaya ko naman, pero hindi siya pumayag.
rexcu: Hindi ko pa nalilibre si lily ok?
ejayr: ok bb boy we understand
jasmayn: ay hindi! Ako nag tatampo ako!
ejayr: inamo talaga jas tama ka na aclah hindi pa nga nalilibre si lily sabe eh!
Tumawa ako dahil sa mga pinaguusapan nila sa group chat. Wala pa sila mama at papa sa bahay mukhang sabay na namang uuwi, sinagutan ko na lang ang mga assignments ko at nag review.
Malapit na din akong mag take ng exam sa UP at Ateneo, target universities ko kasi. Pero ang dream university ko talaga ay UP, gustong gusto kong matawag na iska
Kaya ngayon pa lang ay nag rereview na ako sa mga free time ko. Dumating na sila mama at papa habang nag rereview ako, tinawag nila ako kaya tumigil muna ako sa pag babasa at lumabas ng kwarto.
May dala silang ice cream, Yung favorite flavor ko. Kumuha ako ng kutsara at umupo sa sala kung saan naka upo si papa
Nag mano ako at yumakap sa kanya
"Is my papa tired?" malambing kong tanong habang sumisiksik sa braso niya. Tumawa siya dahil sa ginawa ko at inakbayan ako sabay halik sa akong ulo"Medyo, busy kasi sa office ngayon eh"
Lumabas na si mama mula sa kwarto nila at umupo sa harap namin ni papa, kumuha rin siya ng kutsara at kumain din ng ice cream.
"Lily nag enjoy ka ba sa bakasyon natin last time?"
Tanong ni mama. Tumaas naman ang isang kilay ko, umayos ako ng upo at tumingin saglit sa kanya.
"Ayos lang, bakit ma?"
"Wala lang, Hindi ka masyadong nag salita pag uwi natin eh. Akala ko hindi ka nag enjoy"
Umiling ako bago kumain ulit ng ice cream
"Mag babakasyon tayo ulit doon"
Sabi ni papa, tumango lang ako dahil wala naman sa akin iyon. Sumusunod lang naman ako sa mga magulang ko
"Mukhang kulang ang isang summer sa Lolo't Lola mo eh"
Tumawa si papa na ikinangiti naman ni mama, lumapit siya sa couch na inuupoan namin. Tumabi siya kay papa at yumakap
"The best husband ever"
Sambit ni mama, umiling ako dahil sa harap ko na naman nag lambingan. Nag paalam na ako dahil may isa pa akong assignment na hindi ko pa tapos
Pero bago pa ako maka alis sa couch eh nag tanong na naman si mama
"Hindi ba kayo mag kasundo ng ate kristina at Isabel mo?"
Huh? Ano raw? Nagtaas na naman ako ng kilay dahil sa tanong ni mama. Paano ko nga ba sasagutin 'to?
"Uh medyo? Ewan ko madaldal sila at ayos lang. Hindi kami ganon kaclose first time ko silang mameet eh"
"Makipag close ka"
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky
FanfictionSa pagpatak ng alas singko kasabay nito ay ang pagbuhos ng mga luha ko, sa hindi malamang kadahilanan simula nang ako'y naging disi otso ang dapit hapo'y iniiyakan ko. At bawat apoy ay kinakatakutan ko, Ang pagka kahel ng ulap ay may saya at hapdin...