3

1 0 0
                                    

Panaginip

Dinilat ko ang aking mga mata at ganon na lamang ang aking gulat nang makita ang naglalakihang apoy na nakapalibot sa akin

"Malaya!"

Hinablot niya ako at binalot sa kanyang mga bisig. Hinila niya ako palabas dahil sa palaki na nang palaki ang apoy.

"Aalis tayo dito, lalayo tayo"

"Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako" umiyak ako sa kanyang dibdib habang hinahagod niya ang aking likod

"Hindi mahal, kung pagod ka na ako ang lalaban para sa ating dalawa"

"Hindi mo naiintindihan!" tinulak ko ang dibdib niya at tumayo. Lumingon ako sa kubong nasusunog, hindi mapigil ang aking luha.

"Hindi ganito, Hindi ka na makapasok sa eskwela dahil sa akin. Dahil sa atin!"

Humikbi ako

"Mahal na mahal kita at ayokong ganito ang nangyari sa'yo!"

Hinagkan niya ako ng mahigpit at wala akong magawa kundi ang umiyak sa kanyang mga dibdib.

"If I was a blue bird, I would fly to you"

Agad akong napabalikwas sa aking higaan pawis na pawis, basa ang pisngi. Humikbi ako sa hindi malamang kadahilanan. Tulala ako ng ilang minuto bago tuloyang makarecover sa panaginip, agad akong pumunta ng restroom para maligo.

Nag bihis ako ng aking uniform. Last year ko na sa highschool, ngayong araw ay may tatlo akong quiz na itatake.

Eleven pm na ata ako nakatulog kagabi? Kaya lahat ng notes ko ay nakakalat sa higaan. Kinuha ko ito at inayos sa bag, nang tapos na lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ng kusina.

"Happy Birthday to you... Happy Birthday... To you ... Happy Birthday.. Happy birthday... Happy Birthday .. to you!"

Gulat kong nilingon ang mga magulang na ngayon ay may hawak na cake at flowers. Ngumiti ako at lumapit, sandali pa akong natulala sa apoy ng kandila. Nawala ang ngiti sa aking labi

"Make a wish and blow your candle our baby!"

Masiglang sambit ni papa, binalik ko muli ang ngiti sa aking labi. Pinikit ko ang aking mga mata para mag wish at hinipan ang mga kandila.

Ano ang wish ko? Hiling ko sana matanggap ako sa mga gusto kong universities... At uhm maging abogado.

"Yey! Dalaga na ang baby namin!"

Halos maiyak na si mama at niyakap ako, today is my eighteenth birthday. Niyakap na rin ako ni papa.

"Thank you po"

"Hindi kayo pumasok"

Ngayon ko lang na realized na dapat nasa trabaho ang dalawang 'to ah. Well balak ni mama mag resign si papa naman ay hindi pa hanggat hindi pa ako tapos sa pag aaral.

"Siyempre birthday mo! Nag leave ako" si mama. Tumingin ako kay papa at nag taas ng kilay habang nakangiti.

Tumawa siya at lumapit sa akin para halikan ang noo ko.

Under The Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon