Mansion
I woke up early the next day because of the noises downstairs. I look at the ceiling for a good ten minutes before going out of the bed, I went to the restroom near my grandparent's room. I brushed my teeth and washed my face
May bisita ata ang Lolo at Lola kaya medjo maingay, nag kakatuwaan silang lahat. Kasali na rin ang mga pinsan ko sa usapan, it's seven in the morning. I'm still sleepy, and I'm thinking if I'll go down stairs or not. All of their attention will go to me if I'll do, since I think I'm the only one left here.
Humiga ako ulit sa kama kahit gustong gusto ko nang mag kape. Binuksan ko na lang ang messenger ko at binasa ang mga pinagusapan ng mga kaibigan ko sa gc.
rex protection squad
ejay: may enrollment pala?
jas: malamang teh
jas: ay di ka pa enroll?
Rex: kawawa ka naman
ejay: kapal mo
ejay: paano pa si lily ania kung ganon
lilies: ano?
ejay: uy! Sa wakas nag online
lilies: sorry beh e2 lang aq mabagal ang data
jas: sino yung pogi sa story mo kahapon
Rex: lakas mo ha
lilies: sino don
ejay: mine sa naka blue
lilies: matanda na 'yon
jas: ako sa naka black
lilies: kuya peter at kuya Theo. May work na si kuya Theo, si kuya peter college
Sinabi ko sa kanila ang nangyari kahapon, hindi kasi ako mapakali. Lumalabas pagiging chismosa ko ok? Agad akong nag tulog tulugan nang na rinig ko ang talpak paakyat.
“Lily! Gising na tanghali na”
Sigaw ni mama, tanghali raw? Mag aalas otso pa lang ng umaga! Bumangon ako at saktong pag bukas niya ng pinto.
“Nariyan ang mga Lolo't Lola mo, at mag almusal ka na don. Aalis ata ang mga pinsan mo sumama ka na”
Ayan na nga ba! Halos umirap ako sa harapan ni mama dahil sa sinabi niya. Jusko talaga ayan ang ayaw ko! Ang sumama sa kanila!
Dumiretso ako sa baba dala dala ang cellphone ko, hindi ko pwedeng bitawan to. Nag mano ako isa isa sa mga kapatid ni Lola, nandon ulit si Lolo Manuel. Ngumiti ako sa kanya dahil mukhang paborito ako, inaya niya agad akong kumain ng almusal.
Habang ang iba niyang kapatid ay tanong nang tanong kay mama tungkol sa ugali ko, school, at iba pa.
“Tahimik lang yan tita! Maingay lang yan pag ang mga kaibigan kasama!”
Ako na naman ang topic. Halos mapapikit ako sa sinabi ni mama, tahimik pa naman ako dito! Baka sabihin nila ayaw ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky
Fiksi PenggemarSa pagpatak ng alas singko kasabay nito ay ang pagbuhos ng mga luha ko, sa hindi malamang kadahilanan simula nang ako'y naging disi otso ang dapit hapo'y iniiyakan ko. At bawat apoy ay kinakatakutan ko, Ang pagka kahel ng ulap ay may saya at hapdin...