5

0 0 0
                                    

Uni

A month from now we'll be graduating and start a new life with college. I just hope it will be nice to me. I passed UPCAT and now I'm working on my papers.

Hanggang ngayon na lang ang pasahan ng requirements na ipapasa ko sa UP Diliman. Pumasa rin si Ejay at Jasmine kaya sabay sabay kaming mag papasa mamaya, it's saturday today kaya free kami.

We got so busy kaya ngayon lang kami mag papasa, graduating kami kaya maraming ginagawa

"Hay! Kapagod!"

Reklamo ni Jasmine sa tabi ko, umupo naman si Ejay sa malawak na field. Kakatapos lang namin mag pasa kaya umikot muna kami sa campus

"Ano favorite place niyo as of now?"

Tanong ni Jasmine, tila ba hindi nauubusan ng energy. Jusko

"Sunken Garden" Sagot ko

"Same"

Sabi ni Ejay hinihingal pa, hindi pa namin nalilibot ang buong campus. Kung saan lang kami nag lakad lakad

Tahimik kaming humiga sa damuhan, sa lilim ng malaking puno, natulala ako saglit sa puno bago mag salita

"Kung nakakapagsalita ang puno na ito siguro ang dami niyang makukwento"

Lumingon sa akin si Ejay "Lalim ha"
Tumawa ako dahil ngayon ko lang na realized na oo nga ang lalalim, saan kaya galing 'yon?

"Broken ba girl?"

Dagdag ni Jasmine na ngayon ay tumayo para tingnan ako, hindi ako tumayo at nanatili lamang na higa at tinitingnan ang puno. Ngumiti ako saglit bago nagsalita ulit

"Naisip ko lang na kung kaya nga nilang mag salita, ang dami siguro nilang maikkwento sa mga bagong students dito tulad natin."

"Siguro sasabihin niyan, 'Nako ang daming nagmomol dito noon"

Tumawa ako nang malakas at hinampas ng kaunti si Ejay. Si Jasmine ay hindi rin matigil sa pagtawa

"Boyset, tapos babanggitin pangalan nila 'no? 'Search niyo sa fb, Manilyn Gomez at Rodi Ramos"

Dagdag ko sa naisip ni Ejay. Halos maubos ang oras namin kakatawa at kakaisip sa kung anong pwedeng ikwento ng puno, kung hindi tumawag si Rex kay Ejay ay hindi namin mamalayan na tanghali na

"Sus, kung sana sumama siya sa atin? Edi hindi na tayo pupunta don"

Reklamo ni Jasmine sa gilid ni Ejay, naglalakad kami ngayon at nasa gitna namin si Ejay. Tumingin ako kay Ejay at tinaas ang gilid ng labi ko kaonti, tinaasan lang din niya ako ng kilay habang nakangisi

"Hayaan mo na baka may potential jowa doon oh edi swerte"

Loko talaga 'to si Ejay, number one priority niya raw sa college ay jowa. Hindi ko alam kung biro o hindi, Biology ang program na itatake niya. Si Jasmine naman ay Architecture, sinabi nga namin na sana nag UST siya pero ayaw niya

Nag book ng grab si Ejay dahil hindi pa kami sanay mag commute, hati kami sa pamasahe siyempre.

"Kakahiya naman dito kay Rex, DLSU ata nagenroll eh ang tagal."

Reklamo ni Jasmine. Tumawa ako kaonti dahil sa kanina pa siya inis na inis kay Rex. Umorder na ng food si Ejay kaya kaming dalawa ang nag hanap ng table for four

"Hayaan mo na baka madaming tao"

Pagpapagaan ko sa loob niya, mukhang bigat na bigat siya eh. Close kaming apat pero pansin ko lang na mas naging close sila ni Rex noong grade 11, noong nag grade 12 naman ay hindi na tumigil si Jasmine sa kakaasar kay Rex.

Bukod sa hindi siya pinapatulan ni Rex, alam kong may something eh. Dumating si Rex mukhang hinihingal pa, tumabi siya agad Kay Jasmine na ngayon ay nakamasid lang sa labas.

Tumingin siya saglit kay Jasmine at saka humarap sa akin

"Kamusta?"

Nakangiting tanong ni Rex, gustong gusto kong matawa pero pinigilan ko

"Sino?"

Nakangiting tugon ko, nanalaki ang mga mata niya at tumagilid ang ulo. Tumatawa ako nang biglang dumating si Ejay at tumabi sa akin, sa harap ko ngayon ay si Jasmine at sa harap naman ni Rex ay si Ejay.

"Ayos lang umikot kami, I mean basta hindi namin nalibot ng buo dahil ang laki non"

Tumango siya sa sagot ko at ngumiti, akala ba niya tatanongin ko na sila dito? Hindi ah sa graduation siguro

"Oh ano? Musta Ateneo chong?"

Hindi pa rin kumikibo si Jasmine at tumaas lang ang isang kilay habang tinitingnan si Rex na ngayon ay sumulyap saglit kay Jasmine at tila ba nanghina

"Ok lang, maganda facilities nila"

Malumanay na sagot ni Rex, tumango naman kaming dalawa ni Ejay. Si Jasmine naman ay tumaas lalo ang kilay at umismid

Dumating na ang order namin hindi pa rin naguusap ang dalawa, kaya si Ejay na lang ang kinausap ko. Bukod sa mukhang wala sa mood si Jasmine, si Rex naman ay walang balak mag salita. Mukhang nagiisip ng desisyon sa buhay.

Maya maya ay may umupo sa table na katapat namin, hindi ko sana lilingonin kaso tumitig sa akin ang isa sa kanila. Tumingin ako pabalik at napataas ang kilay dahil sa nakita. Ang babaeng bumaba sa itim na Jeep Wrangler sa probinsya nila mama!

Itinago ko ang gulat sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kilay ko sa kanya, samantalang nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. Tinoon ko na lamang ang aking atensyon sa pagkaing nasa harap, ganon na lamang ang gulat ko nang tumayo si Rex at bumati sa kanila!

Tiningnan ko kung sino ang binati ni Rex at nanalaki saglit ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakasagutan ko noon sa probinsya ni mama! Ginagawa nila dito?

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya nang ilahad ni Rex ang kanyang kamay sa lamesa namin. Siyempre hindi ako nagpatalo at tinaasan ko rin siya ng kilay, habang seryoso lang na tumingin si Ejay sa kaniya.

"Friendly naman ni baby boy, may friends agad."

Ngumisi lang ako sa sinabi ni Ejay at sumubo ng fries. Hindi na ako tumingin pa pabalik sa pwesto nila, bukod sa halatang naalala nila ako

Hindi maganda ang naging interkasyon namin sa probinsya, tinawag niya akong trespasser at minalditahan ko siya.

Hindi rin kami nag tagal at umalis na din kami. Hindi na ako lumingon pa ulit kahit na damang dama ko ang titig nila sa akin.

Under The Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon