The Second Summer
"Ma, gutom na ako gusto ko kumain ng burger"
Busy si papa sa pag check in, uuwi ulit kaming probinsya. Last year my mom was so happy about it, that's why we're going back again.
Ramdam ko na at halatang halata na gusto ni mama maging close ko ang mga pinsan ko. Ayos lang naman kami eh, hindi man ganoon kaclose pero nag uusap naman kami.
Maybe it's the age gap, ate Kristina just graduated from college as well as kuya Jose. Isabel and Peter are in college, kuya Theo is working.
Hindi lang 'yon, sabay sabay silang lumaki. Kung gusto man nilang mag kita madali lang hindi tulad ko na taga manila.
"Mamaya na nga, lily! sabi kasing kumain kanina sa bahay eh"
Sermon ni mama. Hindi ako kumibo at binuksan ang cellphone ko
Rex protection squad:
rexcu: Jasmine
jasmayn: ano?
rexcu: anong gusto mong pasalubong?
jasmayn: wala.
ejayr: MAY FAVORITISM SA PAMILYANG TO!
: HAHAHAHAHAHAHA
rexcu: I thought you weren't online eh
rexcu: are you sure you don't want anything?
rexcu: how about you guys?
ejayr: Size 9 aq tenks
rexcu: ok noted
: HAHAHAHA just send me a picture of a scenery there Rex thank you!
ejayr: Hina niyo naman
jasmayn: GUSTO KO DRIED MANGO LILY TSAKA PIYAYA TAPOS BISCOTCHO
jasmayn: original flavor ng piyaya ha
ejayr: ako din
: Wow may mga pinatago
ejayr: oo naman bangko kita remember?
jasmayn: nandiyan sayo treasure ko beh
:Ok ok
jasmayn: ingat lily and enjoy lab u so mooouch
ejayr: ingat Rex and Lily sana all vacation
Mukhang hindi pa rin bati si Rex at Jas ha? Ganoon ba katindi ang pinag awayan nila?
Lumakad na kami papunta sa gate number namin, nang maka upo na ay inaya ako ni papa bumili ng gusto kong kainin.
"Wow cinabon!"
Mangha kong sabi. Favorite shop ko kasi iyon, I love their cinnamon rolls. Bumili ako non at ng fries. Ayaw ni papa kumain ganoon din si mama, mukhang sa Ilo Ilo na sila kakain.
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky
FanfictionSa pagpatak ng alas singko kasabay nito ay ang pagbuhos ng mga luha ko, sa hindi malamang kadahilanan simula nang ako'y naging disi otso ang dapit hapo'y iniiyakan ko. At bawat apoy ay kinakatakutan ko, Ang pagka kahel ng ulap ay may saya at hapdin...