1

1 0 0
                                    

Bike

I spent the whole day yesterday just reading books, nakausap ko naman ang iba kong pinsan. Hindi nga lang talaga siguro kami magiging close, si ate Kristina kasi ay mahilig sa sports. Ganon din si kuya Jose, Theo, at Peter. Si Isabel naman ay mahilig mag swimming, well ayon ang sabi niya sa akin. Madaldal naman siya pero may mga topic talagang hindi ko alam, kaya hindi ako umiimik.

Lahat ng mga hobbies nila ay ang mga ayaw ko, ayoko ng mapawis at nakakapagod.

Kinakausap nila ko or mostly nag tatanong lang sila sa mga ginagawa ko sa manila. Kapag ang mga kaibigan ko kasi ang kausap ko madalas ang mga joke sa internet ang pinaguusapan namin o di kaya lahat ng tungkol sa isa't isa.

Ngayong araw ay may balak silang mag ikot gamit ang sasakyan ni Tito Ed, si kuya Theo ang mag ddrive. Inaya nila ako dahil hindi ko pa nalilibot ang Guimaras oh itong Lugar nila mama. Pupunta daw kami sa San Lorenzo windmill.

Wala akong ginawa kundi mag picture at mag video habang nasa sasakyan. Agad akong nag picture pag dating namin, ginamit ko ang film cam na binigay ni papa sa akin noong seventeenth birthday ko.

Pagkatapos naming mag picture nang malapitan sa isang windmill pumunta kami sa malapit na cafe. Bumili ako ng milktea dahil nag iced coffee na ako kanina. Gusto pa nga manlibre ni kuya Theo pero sabi namin kkb muna, next time na siya manlibre.

Tanghali na nang nakaalis kami sa cafe, kaya nag aya si kuya Theo na kumain muna sa Alibhon. Siya raw ang manlilibre, edi ok hindi mababawasan pera ko.

Dinala kami ni kuya sa The Pitstop, gusto din kasi ng iba na doon kumain. Tahimik lang ako buong byahe dahil hindi ko naman gets ang mga pinag uusapan nila, kung hindi tungkol sa mga ganap nila sa Ilo Ilo mga kaibigan naman nila dito sa Guimaras ang topic nila.

Bumaba kami at pumasok na sa loob ng restaurant, ok naman interior design niya. Kilala daw sa mga dishes nila na may halong mangga, well known ang Guimaras sa mga masasarap nilang mangga.

"Anong gusto mo?" Tapos nang sabihin ni Isabel, Kristina, Jose, at Peter ang mga gusto nila. Nag burger, fried chicken, at fries ako with mango shake.

"Tumawag ba si Liza sayo?"

Humarap si kuya Jose kay ate Kristina, umiling si kuya Jose.

"Bakit? Umuwi rin siya?" tanong ni kuya Jose kay ate. Tumango ito.

"Oo sabi ko nga sumama siya sana kanina kaso kagigising pa lang pala."

Mukhang marami silang kaibigan dito sa Guimaras at marami silang balak gawin. I just hope mama won't hear about this, pipilitin kasi ako non na sumali at sumama sa mga pinsan ko.
Pag hindi ako sumali, kj na naman ako.

Dumating na ang order namin at nag thank you ako Kay kuya Theo ngumiti naman siya. Sa kalagitnaan nang pagkain namin ay may mga dumating na kalalakihan, around kuya Peter's age.

Lumapit sila sa lamesa namin at bumati sa mga pinsan ko, mukhang mga anak mayaman. Naka Fortuner eh. Namangha ako sa dala nilang sasakayan kaya doon napunta ang atensyon ko. Hindi ako tumingin sa kahit na sino sa kanila, ayoko naman talaga silang tingnan. Wala tinatamad ako.

"Uh by the way this is my cousin! Pinakabata samin ngayon, Lily"

Pagpapakilala ni kuya peter sa akin. Sa wakas ay tiningnan ko sila isa isa at marahang tumango. Malapad na ngumiti ang lalaking Carlo ang pangalan ganon din si Jerry at Axel.

Under The Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon