Kaya naman ay na late ako ng nagising kinaumagahan, puyat ang lola nyo for todays video este for this day. Pag karating ko ng school ay 9:00 am na at hindi ko alam kung saan ako kumuha ng gots or kakapalan ng mukha para ichat si Neon at itanong kung andoon pa ba ang first subject namin dahil hindi ako nakapasok sa unang klase namin. Hindi na rin ako nag abalang ichat pa ang dalawa kong kaibigan dahil panigurado ay wala pa rin yung dalawa.. Kaya naman habang hinihintay ang reply ni Neon ay nagtago muna ako sa may puno na malapit sa classroom, hinihintay ang pag labas ng guro namin sa unang subject at para na rin hindi ako makita ni Ma’am kung saka-sakaling mapapadaan sila. Maya maya lang din ay nag reply na rin si Neon.
Oo kakaalis lang nya, akyat kana (reply)
Sure wala na sila? Baka mamaya hindi pa nakakaalis makikita ako ah (sent) paniniguro kong chat sa kanya
Oo nga wala na sila.. (reply)
Sige thankieee (sent) chat ko sa kanya bago ako lumabas sa aking pinag tataguan at umakyat sa taas papuntang classroom.
Pag akyat ko nga sa taas ay hindi ko na nadatnan pa ang aming guro, hindi na rin ako nag pasalamat pa kay neon at dinaanan ko lang ito. Syempre dating gawi walang pansinan na at baka asarin pa kaming dalawa. Nang makarating ako sa aking upuan ay agad na rin akong naupo at tumunganga habang hinihintay ang aming susunod na subject teacher. At sa aking pag hihintay ay dumaan sa aking harapan si Vinz na pinisil pa ang aking pisngi, actually sanay na ako sa ganyang galawan nya dahil simula pa noong grade 11 pa man kami ay lagi na nyang pinipisil ang aking pisngi, ewan ko ba kung anung trip nya kung bakit gustong gusto niyang pisilin ang aking mukha , hindi naman ganoon kakinis ang aking mukha at isa pa oily na nga ako eh pero kahit ganoon binabalewala ko na lang at hinahayaan sa trip nya.
Limang minuto rin ang lumipas bago dumating ang pangalawang subject namin. Binilin lang din nila kami na gawin na namin ang aming research at wag kakalimutan ang mga itinuro nila sa amin dahil iyon ang magiging requirements namin para makapasa sa firstsem.Pag katapos iyon ay nag check na rin si Ms. Mori ng attendance bago umalis dahil may aasikasuhin pa daw sila.
Pagkaalis na pagkaalis ni Ms. Mori ay siyang pagdating ng dalawa kong kaibigan na hindi pa nailalapag ang kanilang bag ay nag aaya ng kumain sa canteen. Kay aga aga eh mga gutom na kaya naman kaysa maging lonely ulit ay sumama na lang din ako at parang nagcracrave ako sa fried somai..
Nang makarating kami sa canteen ay hindi ganoon karami ang mga tao siguro ay dahil class hour pa kaya karamihan sa mga studyante ay nasa kani-kanilang mga silid pa. At dahil kakaunti naman ang tao ay sa loob na lamang kami kakain at nakakatamad rin kasing umakyat baba sa hagdanan nakakawalan ng energy hahaha.
Habang kumakain ay napadaan si Yna sa may harapan ng canteen kaya tinawag na rin namin ito para kompleto ang barkada. Nag umpisa na ring magkwento si Rahiah kaya todo ang pakikinig namin sa kanya, habang nag kwekwento ang aming kaibigan ay may humila naman sa katabi kong upuan kaya napatingin ako rito. Isang malawak na ngiti ni Josh ang bumungad sa akin.
"Oh andito ka ..ginagawa mo dito?" masungit na tanong ko rito
"Wala lang hahahaha" natatawang sagot naman nya sakin, Wala talaga akong tiwala dito eh kahit sabihin nyang Wala naku hindi talaga ako maniniwala sa kanya
"Pshhh doon ka na nga hindi ka belong dito oyy" pagtataboy ko rito
"Don’t worry chan hindi kita aasarin,andito ako kasi may sasabihin ako sayo promise hahah" pangungumbinsi nya
BINABASA MO ANG
THE GUY ON MY NIGHTMARE
Teen FictionMinsan sa buhay natin may mga bagay talaga tayong hindi maintindihan o di kaya'y maipaliwanag. Tulad na lang ng ating bida, si Chandria Mcysne U. Lopez bagaman simpleng babae may mga bagay at pang yayari sa kanyang buhay na hindi nya maipaliwanag, b...
