KINABUKASAN , alas otso na ng umaga ako nagising , hindi ako maaga nagising ngayon dahil kagabi ay nag basa pa ako ng wattpad stories bago matulog at inabot ako ng 2:00 ng madaling araw sa pag babasa. Dahil alam kong late na rin ako sa first subject ko hindi na rin ako nagmadaling kumilos pa . Bago mag tungo sa banyo para maligo ay nag open muna ako ng aking social media para malaman kung may mahalagang mensahe ba akong natanggap, ngunit maliban lang sa mga chat ng aking mga kaibigan ay wala na rin akong gaanong bagong messages na natanggap. Kaya bago mag log out nag reply muna ako sa aking mga kaibigan.
Pagkatapos kong mag reply sa kanilang mga mensahe ay nagtungo na ako sa aking banyo upang maligo, at nang matapos ay isinagawa ko na ang mga ilan sa mga daily routines ko . Habang inaayos ang necktie ko sa harap ng salamin napansin ko ang kalendaryong nakasabit sa may study table ko. Huling araw na pala ng buwan ng hunyo ngayon at bukas ay panibagong buwan na ulit, kaya sumagi ulit sa aking isipan ang lalaking lagi nag papakita sa panaginip ko naisip ko kung mapapanaginipan ko ba siya ba ulit o hind, at kung hindi na sana nga hindi na siya mag papakita pa.
Kaya ng bumaba ako para kumain nakita ko sila nanay at tatay na nasa hapag na rin kumakain at yung mga kuya ko naman ay wala na siguro ay pumasok na sila sa trabaho.
"Hmm Chan halika na , kumain kana at ng makapasok ka na rin" pag aayang wika ni Tatay sa akin
Tulad ng sinabi ni tatay ay kumuha na rin ako ng pinggan at nilagyan ng pagkain, habang kumakain ay naririnig ko ang usapan nila nanay at tatay. Ayon kay tatay ay pupunta sila sa Maynila bukas para asikasuhin ang maliit na business nila doon, meron kasi kaming pagawahan ng mga bamboo chair, cabinet at iba pang mga muebles at si Nanay naman ay maiiwan dito para asikasuhin naman ang tindahan na malapit sa amin, may maliit na grocery store din kasi kami at si Nanay ang namamahala pero sinasamahan din siya ni tatay minsan kapag umuuwi si Tatay . Once or Twice a week lang din kasi si tatay sa Maynila dahil ang namamahala kasi ng business doon ay si tiyo robert ko pumupunta lang si tatay doon paminsan minsan kung kinakailangan.
Pagkatapos kong kumain ay humingi na rin ako ng baon kay nanay bago umalis.
"Nay alis na po ako"Pag- papaalam ko kay nanay
"Maaga ka ba uuwi mamaya?" tanong ni nanay sa akin
"Hindi ko po alam " natatawang sagot ko kay nanay
"Ay umuwi ka ng maaga at baka gabihin ako mamaya " bilin ni nanay sa akin
"Opo" sagot ko kay nanay .
At nang makarating ako sa paaralan nasa harap pa lamang ako ng gate ay tanaw ko na sa di kalayuan si Yna na nag lalakad mukhang hindi rin maagang pumasok at dahil malapit na rin sya ay napagdesisyonan ko na lang siyang hintayin para sabay na kaming pumasok sa loob ng paaralan.
"Hahahaha Yna late ka rin ? " Natatawang wika ko sa kaibigan
Tanong ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin. At habang nag uusap ay pumasok na rin kaming dalawa sa loob
"Hindi ah 9:00 pa klase namin"pag papaliwanang naman ni Yna sa akin
"Ayy kala ko naman late ka rin hahaa"
"Hmm ikaw bakit late ka ? diba 8:00 klase niyo?" balik na tanong sakin ni Yna
"Well nag basa kasi ako kagabi ng wattpad at 2:00 am na ako natapos hahaha " sagot ko sa aking kaibigan
BINABASA MO ANG
THE GUY ON MY NIGHTMARE
Novela JuvenilMinsan sa buhay natin may mga bagay talaga tayong hindi maintindihan o di kaya'y maipaliwanag. Tulad na lang ng ating bida, si Chandria Mcysne U. Lopez bagaman simpleng babae may mga bagay at pang yayari sa kanyang buhay na hindi nya maipaliwanag, b...
