CHAPTER VIII

4 0 0
                                        

Sa sumunod na mga araw ay naging busy kaming lahat na halos hindi na kami magkaundagaga sa dami ng gagawin dahil bukod sa research paper na kailangan naming tapusin ay nag bigay na rin ang iba pa naming guro na mga requirements and other activities na kailangan naming ipasa bago ang exam na paparating. At may mga ilang materyales rin na kailangang bilhin para sa ibang projects na kailangang tapusin, kaya isang araw pagkatapos ng aming klase ay nagpasama sa akin si Yna na mag punta sa isang school supplies store malapit sa plaza ng aming bayan.

"Ano yung bibilhin mo Yna at hindi sa national book store tayo nag punta?" tanong ko sa aking kaibigan

"Yung styro na bilog para syang bola, nakalimutan ko na kung anu yung tawag eh" pagpapaliwanag nya

"Ay Oo gets ko na ,saan mo ba gagamitin yun?" kuryoso kong tanong sa kanya

"Para sa Physics, gagamitin ko sya pang represent ng mga atoms.." pagpapaliwanag pa nya

Tumango tango naman ako bilang tugon sa sinabi ni Yna. Nang malapit na kami sa aming pupuntahan ay sakto namang pagliko rin nila Neon na may ibang babae na naman na kasama kaya nakasabay namin sila sa paglalakad. Iisa lang din ang tinatahak naming direction kaya sa aking palagay ay papunta rin sila sa store na aming pupuntahan. Napansin ko rin na iba ang kasama nyang babae ngayon dahil noong huli ko syang nakita ang kasama nyang babae ay bagsak na bagsak ang buhok at may pagkamorena bagaman kayumanggi ang kanyang balat sumisigaw parin ang kagandahan nito. Kung ikukumpara ko naman ang babaeng kasama nya ngayon mapapansin mong makinis at maputi ang kanyang kutis, hanggang balikat ang kanyang buhok na may paalon paalon at kulay uling na sa sobrang itim, hanggang balikat ni Neon ang taas, maganda rin ang bridge ng kanyang ilong na nagbigay sa kanya ng matangos na ilong, unang tingin mo palang ay masasabi mong cute sya ngunit pag matanggal mo siyang tititigan ay makikita mo ang tunay nyang kagandahan.

"Chan ohh " wika ni Yna sabay nguso sa may unahan kung nasaan sila Neon

"Pshhh magkukunwari na lang akong walang nakita"  sagot ko

"Huh bakit? Dba crush mo yan?" tanong ni yna sa akin

"Hay naku eh nung nakaraang araw iba ang kasama nyang babae tapos ngayon iba na naman" pagpapaliwanag ko sa aking kaibigan

"Tska hindi ko sya crush noh ayoko sa may sabit, ekis sya sa akin ayoko sa may jowa- " depensa ko pa sa aking kaibigan

"Asussss hindi raw crush " natatawang wika ng aking kaibigan na mukhang hindi naniniwala sa aking mga sinasabi or hindi talaga sya naniniwala

"Oo nga , hindi nga"  pagdedepensa ko pa rin sa aking sarili

"Oh bakit defensive ka" pang aasar pa ni Yna sa akin

"Hindi ah, sinasabi ko lang kung anu yung sa tingin kong totoo" pagtatangol ko sa aking sarili

"Hmmm okay.. "  sagot nya na natatawa parin sa pang aasar sa akin.

Nang makarating kami store ay pumasok na kami kaagad at pumili ng mga gagamitin namin, nag paalam rin si Yna sa akin na pupunta lang sa isang stall para kunin ang iba pa nyang kakailanganin. Habang hinihintay si Yna na makabalik ,pabalik balik rin ang aking tingin sa may pintuan hinihintay kung papasok rin sila Neon ngunit nakailang bukas na ang pintuan dahil sa mga labas masok na ibang tao ay walang bumungad na Neon sa may pintuan wala rin ang babae siguro ay nag kamali ako ng hula kanina baka hindi na sila tumuloy o may iba silang pupuntahan. Hanggang sa makabalik na si yna ay wala parin kahit anino ng dalawa siguro hindi talaga sila dito pupunta. Nang makuha na namin ang lahat ng aming kakailanganin ay nag punta na kami sa counter at nag bayad. Pagkatapos naming mag bayad ay hindi na rin kami nag tagal pa sa store at dahil alasais na rin ng hapon ay nag paalam na kami sa isat-isa.

THE GUY ON MY NIGHTMAREMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon