Hanggang panibagong lunes muli ang sumalubong sa akin ng hindi ko namamalayan, ang bilis pala talaga lumipas ang mga araw hindi ko na napapansin ang mga araw na dumadaan sa dami ng aking mga iniisip dumadagdag pa itong nararamdaman ko haytsss.. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng maisip muli ang bumabagabag sa aking isipan . Dumaan ang sabado at linggo hindi pa rin ako matapos tapos kakaisip sa kanya .
Habang nag lalakad lakad sa may hallway ng school napansin kong madaming studyante ang nakakalat kahit na class hour. Kaya nag tatakang nakatingin ako sa aking paligid . Ano bang meron ngayon at madami atang studyante ang nasa labas kahit na oras dapat ng klase .Kaya para masagot ang aking katanungan ay nag open na lang ako ng aking facebook at chineck ang aking messages. Sakto namang pagbukas na pagbukas ko ay bumungad na sa akin ang gc namin. Habang nag babackread ay tinatahak ko na rin ang daan patungo sa aming silid aralan. At base sa aking mga nababasa ay ngayong araw pala gaganapin ang Historya kung saan may mga mag tatanghal sa amphitheater about sa history at pinapapunta lahat ng studyante sa loob ng amphi para manuod . At dahil Wala akong kasama naisipan ko na lang pumunta muna sa classroom nag babakasakaling may mga classmates pa akong naiwan at mas pinili na lang tumambay sa classroom kaysa nanuod ..
Bago ako umakyat ng hagdan ay nahagip ng aking mata si Neon na paakyat na rin at dahil ayaw ko siyang makasabayan ay sa kabilang hagdaan na lang ako umakyat, kung siya ay nasa kaliwang bahagi siya umakyat kung saan Ang entrance, ako naman ay mas pinili ko na lang umakyat sa may kanang hagdaan kung saan ang exit, ayos na ako rito kaysa makasama sya. Nang makarating ako sa ikalawang palapag kung saan naroon ang aming classroom, mula sa kinalalagyan ko ay tanaw ko rin si Neon sa kabilang bahagi na nag lalakad na rin papuntang classroom . Nang nasa may tapat na kami ay nakita naming nakalock ang pinto kaya nag katingan kaming dalawa ngunit umiwas na rin ako kaagad ..
" Sarado , baka nasa amphitheater na silang lahat " pagsisimula nya ng usapan kahit parehas naman naming nakita na sarado ..
" Baka nga, wait chat ako sa GC " sagot ko na lang sa kanya , tumango naman ito bilang pag sang ayon .
"Guys ? Nasa amphitheater naba kayo? Nag start na ba ?" Sunod sunod kung tanong sa gc
'Hindi pa , punta na kayo Dito' -reply naman ni Jane sa amin ,Isa sa mga classmates namin and SSG officer slash kaibigan rin namin
" Tara na nasa amphi na daw Sila " Wika ko Kay Neon na hindi tumitingin sa kanya , at mula sa aking peripheral vision ay nakita kong tumango ito ..
Kaya nag lakad na lang kami ulit para bumaba at pumunta ng amphi . Nang makababa na kami ay Hindi na rin kami nag usap na dalawa , nasa harap ko sya habang Ako Naman ay nasa likod tahimik na nag lalakad at walang kabalak balak na kausapin sya at mukhang ganoon rin sya . Hanggang sa makarating kami sa amphitheater ay wala parin kaming imikan na dalawa .Nang nasa tapat na kami ng amphitheater ay hinayaan ko na lang siyang mag hanap ng mag isa kung nasaan ang mga klasmate namin. Ang dami na ring mga tao kaya hirap siyang mag hanap maya maya lamang ay tumingin ito sa akin kaya napatingin din ako sa akanya ..
"Andoon Sila malapit sa may harapan " turo nya doon sa mga taong malapit sa harapan ay may bakante pa ring upuan , tumango na lang din ako ang nag simula ng lumapit sa gawi ng mga klasmate namin . Hindi na rin ako sumagot pa sa kanya dahil bukod sa ayaw ko siyang kauspin ay tamad din akong dumaldal . Nang makalapit na kami sa kanila ay tinawag kami ni Jane at itinuro ang bakanteng upuan .
"Chan !!!!! " Dito kayo sigaw ni Jane sa amin dahil halos di na magkarinigan ang mga tao sa sobrang ingay Ng amphi .
Unang umupo si Neon at dahil ayaw ko siyang makasama ay Hindi ako tumabi sa kanya mas pinili ko na lang na Makitabi sa mga liptink girls kong klasmate , okay na dito kaysa makatabi ko sya .
At dahil Hindi pa nag uumpisa ang programa ay chinat ko muna ang dalawa si Rahiah and Jin , si Yna baka nasa section nila siya kaya yung dalawa lang na laging late ang chinat koOiss saan na kayo?
Nasa amphitheater kami , Ngayon pala yung sinabi ni Ron na may mag tatanghal daw (sent)Mahabang chat ko sa dalawa. Habang hinihintay ang reply ng dalawa naramdam kong may umupo sa aking tabi kaya't dahan dahan kong iniangat ang aking paningin. Gulat akong napatingin sa kanya , Hindi ko inaasahang makakatabi ko pa si Neon gayong may malaking espasyo pa akong iniwan kanina mula sa aking inuupoan at sa kanya. Nang tignan ko ang una niyang inupuan ay may nakaupo na na galing sa kabilang section. At dahil hindi rin ako nililingon ng katabi ko ay itinikom ko na rin ang aking bibig .
Maya Maya lamang ay nakaramdam na rin ako ng pag kauhaw dahil sa init. Bagaman alas nuebè pa lang ng umaga ay ramdam na namin ang init dahil sa panahon at dahil na rin sa dami ng tao sa amphitheater.
"A-ahh tubig? " Alok sa akin ni Neon
Takang napatingin naman ako sa kanya . Anung nakain nito at nag aalok ng tubig ngayon? Oo naiinom na ako ng tubig ngunit ayokong tumanggap ng kung anu anu sa kanya. Titig na titig pa rin ako sa kanya at sa hawak hawak niyang tubig pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa hawak nya .
Bago pa man ako makatanggi sa kanyang Alok ay narinig kong nag ring ang aking cellphone kaya dali dali kong sinagot ito Hindi tinitignan kung sino ang napatawag .
"Chan ? Asa labas kami ng amphitheater labas ka "rinig ko ang boses ni Jin na nasa kabilang linya.
" Nasa labas kayo ?, Wait wait saang part ? Saang door kayo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya habang tumatayo at sinisimulang bumaba sa bleachers.
"Excuse me , excuse po " Wika ko sa mga taong nakaharang sa daanan
" 2nd door be " sagot naman ni Jin mula sa kabilang linya
"Ah okay okay , nakita ko na kayo " sagot ko sa kanya bago ko pinatay ang aking telepono.
"Jin !!!!" Bungad ko sa kanila ng makita rin sila Jin , Yna and Rahiah na mag Kakasama .
" Anu pasok na ba us ? Mag start na daw " Aya ko sa aking mga kaibigan
" Sa section ka na namin Yna, okay lang naman daw ang mahalo sa ibang section basta sa pag check ng attendance present ka , chat mo na lang yung sec. nyo " mahabang Wika ni Rahiah Kay Yna
Pumayag na din si Yna sa sinabi ni Rahiah kaya ng bumalik kami sa aming mga classmates ay kasama sya. Ang problema lamang ay wala na kaming uupuan sa may bandang harapan dahil sa dami na rin ng tao kaya Hindi na ako nakabalik pa sa aking inupuan kanina. Kaya sa likod na lang kami nag si-upo ng aking mga kaibigan.
Alas-dos na ng hapon ng matapos ang program, nung nag tanghali naman ay kumain lang kami saglit kila ate Luz bago bumalik sa amphitheater.
At dahil bawal pa lumabas ng school dahil wala pang alas-kwartro ay nag palipas muna kami ng aking mga kaibigan sa HUMSS park .
Nang makauwi ay pagod akong humiga sa aking kama, masakit ang aking puwetan at paa dahil na rin siguro sa matagalang pag-upo namin kanina sa bleachers noong programa at ilang saglit lang rin ay dinalaw na rin ako ng aking antok.
BINABASA MO ANG
THE GUY ON MY NIGHTMARE
Dla nastolatkówMinsan sa buhay natin may mga bagay talaga tayong hindi maintindihan o di kaya'y maipaliwanag. Tulad na lang ng ating bida, si Chandria Mcysne U. Lopez bagaman simpleng babae may mga bagay at pang yayari sa kanyang buhay na hindi nya maipaliwanag, b...