Nang makauwi na ako sa bahay ay nag palit na rin ako agad at tulad ng nakasanayan ay nag meryenda muna ako bago ako gumawa ng gawaing bahay. Nang matapos sa gawaing bahay ay umakyat na rin ako sa aking kwarto samantalang sila nanay ay hindi pa dumarating . Nasanay na rin naman akong laging mag isa sa bahay kaya ayos lamang sa akin kung wala akong kasama. At dahil maaga pa para kumain ng gabihan ay napili ko na lamang na mag basa ng wattpad stories ang title nya My boyfriend is an AUTHOR by joyful , maganda ang story niya actually .
Lumipas ang isa’t kalahating oras ng marinig ko si nanay sa baba tinatawag na ako kaya i-chinarge ko muna ang aking cellphone bago bumaba..
"Bakit po nay?" bungad na tanong ko sa kanila ng makababa ako sa hagdan.
"Magsandok kana at kakain na tayo" utos sa akin ni nanay kaya tulad ng sinabi ni nanay ay nag sandok na ako ng aming makakain.
"Sila kuya po pala nay ?nasaan po pala ? " tanong ko kay nanay ng mapansing wala ang dalawa kong kuya.
"Si kuya mo Al ay wala dito nag punta kila ate mo Bham doon daw matutulog dahil birthday pala ng mama niya at si kuya Vin mo naman ay gumala mamaya pa yun uuwi kaya bilisan mo ng mag sandok dyan ng makakain na tayo" mahabang pag papaliwanag ni nanay sa akin.
Kaya ng matapos ako ay nag simula na rin kaming kumain na dalawa at habang kumakain ay naalala kong aalis pala ako bukas kaya naisip kong mag paalam na ng maaga sa kay nanay.
"Nay bukas po pala pupunta ako kila rahiah ah" pag sisimula ko
"Anu namang gagawin mo sa kanila? "tanong ni nanay sa akin
Gagawa po kami ng research namin- pagpapaliwana ko kay nanay
Ilang tanong pa ang itinanong ni nanay sa akin bago ito pumayag.
KINABUKASAN, tulad ng aking plano ay maaga akong naligo at nag handa na sa pag alis. Habang chenicheck ang mga dala kong gamit ay nag pop up ang message ni Jin sa cellphone ko .
Chan nakaalis kana?paalis na rin ako ng bahay hinihintay ko lang si Papa , siya kasi ang mag hahatid sakin (sent)
Paalis palang sige chat mo na lang ako kapag andun ka na ,sa Mall na lang tayo mag kita sabihan mo na lang din ang iba na doon mag kikita ..(sent) pagtugon ko sa kanyang mensahe
Nang makarating ako sa aming tagpuan ay nag chat ako sa Gc namin kung nasaan na ang iba at base sa mga chats nila ay nasa daan pa lamang sila, maliban na lang kay Neon na nasa bandang dulo raw ng mga archade kaya tulad ng sinabi nya ay hinahanap ko kung saan sya , nang makita ko sya ay nag dadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako or hindi pero sa bandang huli ay napilitan na rin akong lumapit. Nang makita nya ako ay ngumiti ito kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya at umupo sa may malapit na upuan. At dahil wala pa ang iba at hindi rin kami nag uusap ng kasama ko ay inilabas ko na lang ang aking kwaderno at binasa ang ilan sa mga niresearch ko kagabi tungkol sa magiging topic namin sa aming research. Lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin ang mga makakasama namin kaya hindi ko na malayang nililista ko na pala ang mga ilan sa eksena na nangyari sa aking panaginipan.
"Anu yan ?" tanong bigla ng kasama ko, kaya dahil sa sobrang gulat ay nasarado ko bigla ang aking kwaderno na siyang naging dahilan na pag kahulog naman ng aking panulat at dahil na rin sa taranta ay agaran kong kinuha ang nahulog kong panulat, ngunit bago ko pa maiangat ang sarili at makabalik sa pagkakaupo ay siyang pag kauntog ko sa baba ni Neon na sinusubukang abutin din ang ballpen ko, kaya ng tumingin ako sa kanya ay hawak hawak na nito ang kanyang baba at makikita sa kanyang mukha na nasaktan talaga sya.
BINABASA MO ANG
THE GUY ON MY NIGHTMARE
Teen FictionMinsan sa buhay natin may mga bagay talaga tayong hindi maintindihan o di kaya'y maipaliwanag. Tulad na lang ng ating bida, si Chandria Mcysne U. Lopez bagaman simpleng babae may mga bagay at pang yayari sa kanyang buhay na hindi nya maipaliwanag, b...
