KINABUKASAN, unang araw ng buwan ng Agusto ay naging maganda ang aking gising sa kadahilanang hindi ko siya napanaginipan at sa aking palagay marahil ay isa itong magandang senyales na hindi ko siya mapapanaginipan ngayon buwan. Kaya habang naglalakad papasok sa gate ng school ay naisipan kong ilabas ang aking kwaderno upang makapag review na para sa quiz mamayang hapon. At dahil tapos ko na rin ang aking takdang aralin kagabi ay malaki ang aking ngiti sa aking labi habang nag babasa, siguro ay iisipin nang ibang tao ay nababaliw na ako or kinikilig sa binabasa ngunit wala na akong pakialam pa basta ang mahalaga sa akin ngayon ay malakas ang kutob ko na hindi ko na siya mapapanaginipan pa at ang pagdalaw niya sa aking panaginip ng mga nag daang buwan ay nagkataon lamang. Kaya habang nag babasa ay ganado akong mag kabisa ng mga mahahalagang detalye sa aming lesson. At nang malapit na ako sa aming silid ay rinig ko na ang ingay na nag mumula sa silid namin, at sa aking palagay ay wala pa si Ma'am sa classroom. At nang makarating ako sa bukana ng pintuan ng aming silid ay nakumpira kong tama ang aking hinala dahil wala nga si Ma'am sa kanilang desk at dahil dito maiingay ang aking mga kaklase.
"Chandria? " tawag sakin ni Ron, si Ron ang aming class president
"Hmm? " sagot ko sa kanya habang papalapit sa kanyang kinaroroonan
"May babayadan, naniningil kasi ako para dun sa magaganap na programa sa susunod na lingo at kailangan mag bayad ng 50 pesos para dun sa entrance fee, may entance fee kasi may mag tatanghal, para siyang theater ganun " pagpapaliwanang ni president sa akin.
At dahil may extra money pa naman ako ay nag bayad na rin ako sa kanya para wala na akong proproblemahin sa susunod na araw.
Pagkatapos naming mag usap ni Ron ay dumiretso na ako sa aking upuan at ipinagpatuloy ang pag babasa sa aking kwaderno . Ilang saglit lang din ay tumabi na rin sa akin si Camella Rose para mag review na rin, lumapit na rin si Amore na isa rin sa mga classmate namin.
"Chan ? pa-picture nga ng take downotes mo ? kulang kulang kasi yung mga nasulat ko" suyo sa akin ni Amore
Kaya tulad ng pakiusap niya ay ibinigay ko muna sa kanya ang aking kwaderno upang makuhaan ng litrato, at habang kinukunan nito ng litrato naisip kong itanong sa kanya kung bakit wala si ma'am. At ayon sa kanya ay hindi muna makakapagturo si Ma'am ngayon dahil may emergency daw na pupuntahan si maam ,hindi rin nag tagal ay ibinalik na rin niya sa akin ang aking kwaderno.
Nang matapos ang first subject namin ay halos magkasabayang dumating sina Ms. Mori at ang dalawa kong kaibigan , medyo na una lang ng ilang segondo ang dalawa. Hindi na rin kami nakapag-usap ng dumating ang dalawa dahil nagsalita na rin agad sa harapan si Ms. Mori at tulad ng mga nagdaang araw ay ipinaliwanag uli ni Ma'am ang tungkol sa research.
Sa sumunod na klase ay nag check lang kami ng assignment at sinabi ni ma'am na we will use the remaining time to read our previous lesson dahil by tomorrow we will have a quiz. Pero dahil may quiz din kami mamayang hapon ay nag review na lang kami para sa haharaping quiz mamaya.
Nang matapos ang klase namin kay Ma'am ay nag lunch na rin kaming mag kakaibigan. Hindi na rin kami nag tagal kila Ate Luz dahil pag katapos naming kumain ay dumeritso na rin kami sa aming silid upang mag handa na sa quiz. Kaya ng dumating ang aming guro ay sinimulan na rin nilang i-distribute ang question sheets at nung dumating sa akin ang question sheet ay nag simula na rin akong mag sagot.
Pagkalipas ng 29 minuto ay na tapos na rin ako sa pag sasagot at dahil sabay sabay na nilang kukunin ang aming mga papel ay iginala ko muna ang aking paningin sa aking paligid. Sa pag titingin tingin ay dumapo ang aking tingin sa lalaking seryosong seryoso sa pag sasagot, hindi ko alam kung bakit sa tuwing napapatingin ako sa kanya ay nawiwili ako . Siguro ay dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya para siyang boy version ko , may mga kilos siyang katulad sa mga galawan ko at minsan pati sa pagpili ng mga damit at pag porma ay kuhang kuha niya din, pino din siyang kumilos minsan para talaga siyang ako kapag kumilos. Hindi ko alam kong napapansin din ba niya yun o hindi, pero sa tuwing nakikita ko sya at parehas ang kilos namin minsan natatawa na lang ako ng palihim.
BINABASA MO ANG
THE GUY ON MY NIGHTMARE
Fiksi RemajaMinsan sa buhay natin may mga bagay talaga tayong hindi maintindihan o di kaya'y maipaliwanag. Tulad na lang ng ating bida, si Chandria Mcysne U. Lopez bagaman simpleng babae may mga bagay at pang yayari sa kanyang buhay na hindi nya maipaliwanag, b...
