At nang mag-umaga ay ginawa ko na ang aking mga morning routines, nagshower, nag bihis, nagpahid ng cleanser sa aking mukha, nagtoothbrush, inayos ang necktie at bumaba na. Nang makababa ay naabutan ko sila nanay at tatay na nag- uusap sa hapag , sila kuya naman ay kumakain na , kaya nakisabay na rin akong kumain sa kanila.
"Oh Chan ang aga mo naman ata ngayon?7:00 palang ng umaga ah" Nag tatakang tanong ni nanay sa akin ng makaupo ako
"Kaya nga ang aga mo ngayon ah ? diba ang alis mo lagi 8:00 o 9:00 ng umaga? "segunda namin ni kuya Al..
"Meron pa kasi akong gagawin sa school" Pagpapaliwanang ko sa kanila..
Nang matapos akong mag agahan ay agad na rin akong nagpaalam kila nanay , at sakto naman ng lumabas ako sa bahay ay nag text na rin si Rahiah at Jin sa akin tinatanong kung nasaan na ako . Kaya bago ako pumara ng tricycle para sakyan ay nag reply muna na ako sa kanila.
Paalis na ako sa bahay .. dalian nyo. (sent)
Kaya noong dumating ako ay halos kompleto na isa na lang ang kulang , wala pa si Migz panigurado ay lumalandi pa iyon dyan sa tabi tabi hahahah . Pero kahit ganoon yun mabait naman sya at maasahan hindi tulad dun sa isa hindi man lang ako kinakausap or kung kakausapin ako mga important matters lang din tss napakasungit pa pero pag dating sa ibang mate namin napakabait pilosopo nga lang HAHAHAH..
"Hmm tara na umpisahan na natin" Wika ko kaagad sa kanila ng makaupo ako..
"Ang tagal mo chan kanina pa kami HAHAHAH"Tawang tawa na wika ni rahiah sa akin..
"Asuss ikaw din kaya , kakarating mo nga lang hahah"Pangbabasag trip ni Jin sa kanya..
"At least nauna ako ng 1 min kay Chan eh si Migz mo asan na ?" Balik na pang aasar nit okay Jin
"Taee ewss may Lau na ako noh may bebe na ako baka ikaw Migz mo .. HAHAHA "Balik na pang aasar din ni Jin kay rahiah
Ang kulit talaga ng dalawang ito pag pinagsama hayyy naku baka wala kaming matapos nito, habang nag aasaran ang dalawa at makinig sa asaran nila ay nilabas ko na ang mga sinulat ko kagabi para matanong kung approve na ba sa kanila or may iba pa silang suggestion.
"Rahiah ? Jin? Nag sulat pala ako kagabi tignan nyo nga kung okay na ito ay or kung mali suggest kayo ng iba"Pag agaw ko ng atensyon sa dalawa ..
"Naoll chan .. patingin nga ako" wika ni Rahiah sabay kuha ng aking kwaderno
Habang tinitignan ni Rahiah ang mga sinulat ko nakisilip na rin sina Jin and Neon. At habang seryoso nilang tinitignan ang mga gawa ko ay siya na rin pagdating ni Migz naka ngiting aso na HAHAHAH..
"Oyyy musta nakagawa na kayo?tapos na ba?" bungad niya sa amin habang nakasuksok ang isang kamay sa kanyang bulsa.
"Ohh andito kana .. libre mo nga kami para may ambag ka"Sagot naman ni Jin sa kanya
"Ngeee kakarating ko lang ay libre na agad okay lang kung si Chan ililibre ko kasi alam ko siya may ginawa ikaw wala hahaha"sagot naman ni Migz sa kaibigan ko
"Dalian mo na dami mo pang sinasabi dyan hahaha" Tugon naman sa kanya ni jin
Dahil asaran lang din ginagawa ng dalawa ibinalik ko na lang sa dalawa ang panigin ko kila Rahiah at Neon
BINABASA MO ANG
THE GUY ON MY NIGHTMARE
Ficção AdolescenteMinsan sa buhay natin may mga bagay talaga tayong hindi maintindihan o di kaya'y maipaliwanag. Tulad na lang ng ating bida, si Chandria Mcysne U. Lopez bagaman simpleng babae may mga bagay at pang yayari sa kanyang buhay na hindi nya maipaliwanag, b...