Nang makababa ako sa tricycle ay gigil na gigil pa rin ako sa lalaking kasabay ko kanina, napaka sungit samantalang pag ibang babae napaka approachable niya sarap niyang tirisin , ang lamig lamig kaya dun sa pwesto ko kanina sa akin humahampas yung lamig ng hangin wala lang akong mapanangga at halos mag elsa na ako doon at kumanta ng let it go.. let it gooooooooo ohhhh.. samantalang yung kasama ko pachill chill lang Hakkdog sya .. isa syang napakalaking hakkdoggg arugggh. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang isang bato na nakita ko sa daan gigil ko itong sinipa ng malakas. At sa hindi inaasahan ay natamaan ang lalaking nakaupo sa waiting shed sapol na sapol sa likod nito at dahil malamang masakit yun napatingin ito sa paligid hinahanap kung sino nangbato sa kanya hahahha .. at dahil medyo maswerte pa rin naman ako hindi niya nakita kung sino ang nakatama sa kanya bukod sa may iilan ring dumaraan ay gabi na rin kaya hindi nya makikita.. hihihih
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay ihiniga ko na agad ang aking sarili sa aking malabot na kama, hindi na rin ako nag abalang mag bihis pa sa sobrang pagod at dahil andito na rin si nanay hindi na ako magluluto dahil na titiyak kong nag sasaing na sila kaya naman iiglip muna ako saglit at saka na lang ako mag bibihis pag kagising ko.
"Oyy chan halika dito !!..." tawag sa akin ni Val na nasa limlim ng isang malaking puno ng mangga, kaya naman lumapit ako sa kinaroroonan ng aking kaibigan..
Maupo ka dito ohh .. sabay turo at alok nito sa akin sa katabing espasyo dali dali naman akong umupo at nakisalamuha sakanila.. Napansin ko rin na nasa anim pala kami, kabilang doon ang iba pa naming kaibigan at ang kanyang boyfriend, samantala sa aking katapat naman ay ang kinaroroonan ng lalaking kinaiinisan ko nasa tingin ko ay unti unti na ring nag papatibok ng puso ko. May hawak itong pamaypay na nag bibigay sa kanya ng hangin upang mapreskuhan sa kabila ng matinding init ng panahon.Habang nagkakasayahan ang lahat nagkakatuwaan naman ang mag jowa sa katabi ko nag susubuan pa ng mangga..
"Ay nakss sana oll may jowa biro ko sa dalawa..."
"Ay bakit gusto mo? Andito na man ako ahh .. " wika sa akin ni **** na nag pabilog ng aking mga mata at napatitig na lang kanya sa sa sobrang gulat.. Isang tanong na hindi ko inaasahang mang gagaling sa kanya...
"Chan !!! anak bumaba ka na riyan at tayoy kakain na .... "
"Channnnnnn ...."
Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising na lamang ako sa isang malakas na tawag sa akin ni nanay mula sa baba. Napabuntong hininga na lang ako at binalikan ang mga pang yayari sa aking panaginip .I wish it was true na hindi lang siya panaginip. Mula sa pag kakahiga ay napatitig na lang ako sa mga bituin at buwan sa labas na kitang kita mula sa aking kwarto dahil sa nakabukas na bintana. Matagal kong tinitigan at mga bituin sa labas iniisip kung sya rin ba ay nananaginip ng ganito na ako ang laman or ako lang ang na nanaginip ng ganito sa amin. Hayyyy I wish na sana nasa iisang situation lang din kaming dalawa para hindi lang ako ang dehado sa bandang huli. Isa pang malamin na buntong hininga pa ang aking pinakawalan bago ko maisipang mag palit at bumaba upang kumain.
At sa aking pag baba nakita ko sila nanay at kuya na nag uusap sa may hapag, habang nag sasandok ng kanin si nanay rinig na rinig ko ang sermon nito kay kuya Ar tungkol sa hind pag gusto ni nanay sa napiling nobya ni kuya, natatarayan daw si nanay sa girlfriend ni kuya .. HAHAHAHA nakuuu si nanay talaga lumabas na naman ang pag ka judgemental hahaha. Pero sa totoo lang may punto si nanay nakikita ko rin yung ugali na nakikita ni nanay, ngunit wala na kaming magagawa pa doon kung iyon talaga ang gusto ni kuya, we should support na lang sa pag pili niya ng makakasama nya .
BINABASA MO ANG
THE GUY ON MY NIGHTMARE
Fiksi RemajaMinsan sa buhay natin may mga bagay talaga tayong hindi maintindihan o di kaya'y maipaliwanag. Tulad na lang ng ating bida, si Chandria Mcysne U. Lopez bagaman simpleng babae may mga bagay at pang yayari sa kanyang buhay na hindi nya maipaliwanag, b...