|*29*| More and more

655 31 12
                                    


"Para ka namang nakakita ka ng multo."


Teka, ba't andito tong taong to?


"Akala ko ba nasa Seoul kayo?"


"Malamang umuwi na kami. Pasukan na bukas. Pero di pa kami papasok ng 1 week."


Nagsimula na siyang maglakad at nilagpasan niya ako.


"Saan ka ba pupunta? Sinusundan mo ako no?" sabi ko sabay ngisi.


Tiningnan ko ang likod niya. Ngayon ko lang napansin na naka-khaki shorts at blue polo shirt lang siya. With matching pambahay na slippers. Humarap siya sakin at mukhang lalabas ang mga mata niya sa titig niya sakin.


"Bah! Kapal mo rin no? Kita mong daan to papuntang bayan. Malamang sa malamang pupunta akong bayan!" sigaw niya sakin.


"Nagtatanong lang! Sungit neto." sabi ko at sumunod rin sa kanya. "So.. kamusta ang Seoul? Summer dun ngayon ah."


"Okay lang." tipid na sagot niya.


"Okay lang? Anong klaseng sagot yan? Itratrade ko lahat makapunta lang sa Korea tapos ikaw "Okay lang"?"


"Edi itrade mo kaluluwa mo para makapunta ka. Tss."


"Bakit ba ang sungit mo? Tss."


"Bakit ka nanggagaya ng expression? Tss." Umirap siya sakin sabay labas ng phone.


"Bakit sinong nagsabing ikaw lang pwedeng magsabi non? Tss! Tss! Tss!"


"Tumigil ka nga! Laway mo oh!" sabay turo niya sa screen ng phone niyang may talsik nga ng laway ko.


"Wala kong pake! Dyan ka na nga! Hari ng Sungit! Che!" sabi ko at naglakad ng mabilis.


Nakakainis talaga yun! Walang oras na di nagsusungit. Pinaglihi ata siya sa sama ng loob. Nakakainis!


"Hoy! Saglit!" sigaw niya sakin sa malayo.


"Hoy mo mukha mo! Wag ka ngang sumunod!" sigaw ko pabalik.


"Saan ako dadaan? May ibang route ba papuntang bayan? Tss." sabi niya ng nakahabol na siya sakin.


"Gamitin mo GPS mo duh! Ang arte."


"Look who's talking." Napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nag-aaway talaga kami sa daan.


"Bakit ba ang sungit mo?" Hinarap ko siya.


"Bakit ba ang brat mo?" Hinarap din niya ako.


"Bakit ba ang arte mo?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EXO ClubhouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon